Pauleen Luna, ibinahagi ang naging masayang celebration ng kaarawan ng kanyang asawang si Vic Sotto na dinaluhan ng kanyang buong pamilya

Sila ay nakapagbibigay ng ngiti at kasiyahan sa kanilang mga manonood, ganyan nga kung ilarawan ang mga komedyanteng tumatak sa ating mga puso at isipan na naghatid ng kakaibang ligaya sa ating mga labi.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Isa na nga sa mga ito ay ang aktor, komedyante, at TV host ng noontime variety show na Eat Bulaga na si Vic Sotto o mas kilala ng nakararami bilang si Bossing Vic.

Sa kanyang ipinamalas na kabutihan at pagiging matulungin sa kanyang kapwa, ay hindi kataka-takang siya ay binansagang Bossing ng masa na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa buhay ng bawat taong kanyang natutulungan.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Hindi rin naman maikakaila na taglay rin ni Bossing Vic ang anking kagwapuhan lalo na noong kanyang kabataan. Kaya naman maging ang mga kababaihan ay nahumaling at napa-ibig sa kanyang taglay na karisma.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

At ngayon sa pagdiriwang ng kanyang ika-68 na kaarawan ay masayang sinalubong ng komedyante ang espesyal na araw na ito ng kanyang buhay, na kung saan ay makikitang hindi lamang ang kanyang pamilya ang nakasama sa kanyang kaarawan, kundi maging ang mga anak nito ay nakadalo rin sa nasabing pagdiriwang.


Sa ibinahaging litrato ng kanyang misis na si Pauleen Luna-Sotto sa kanyang Instagram, ay makikitang ibinahagi ng celebrity mom ang napakagandang litrato na kuha mismo sa selebrasyon ng kaarawan ni Bossing Vic.

Kapansin-pansin na nakadalo ang kanyang mga anak na sina Danica, Oyo, Mayor Vico, at maging ang kanyang anak kay Pauleen na si Tali ay present rin sa kanyang masayang birthday celebration.




Samantala, hindi naman nagpahuli si Pauleen na batiin at mag-iwan ng matamis at maikling mensahe para sa kaarawan ng kanyang mister sa pamamagitan ng ibinahaging sweet photo nila sa beach na magkasama.

Aniya, “My rock amidst the chaos. Thank you for your love, babe. I thank God everyday for your life. Happy birthday! I love you!”