Angeline Quinto, masayang ibinahagi ang kanyang matagumpay na pagsilang sa kanyang anak na si Baby Sylvio

Makalipas nga ang ilang buwang paghihintay at pananabik na makasama ang kanyang 1st baby, sa wakas ay nasilayan na ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto, ang kanyang baby boy na kanyang pinangalanan bilang si Baby Sylvio.


Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Matagumpay nga na naisilang ni Angge ang kanyang anak nito lamang Miyerkules, ika-27 ng Abril sa ganap na 10:22 ng gabi ay kanyang nasilayan ang pagdating ni Baby Sylvio na anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Kasabay ng magandang balitang ito ay siya ring pagbabahagi ng celebrity mom ng isang litrato ng kanyang anak habang nasa incubator kasama ang ama nito na tila na “love at first sight” nga pagkakita pa lamang sa kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aldessa Zanoria (@atq_aldessa1126)


Tila kung gaano nga ang sayang nararamdaman ni Angge ngayon ay siya rin namang kasabay nito ang panibagong yugto na kanyang kakaharapin, lalo pa’t siya ay isa ng ganap na ina at makakasama na ang kanilang munting anghel.

Aniya, “Motherhood. UNLOCKED!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Samantala, bago pa man maisilang ng singer-actress ang kanyang anak, ay nagawa pa niyang mag-post ng isang nakakatawang Tiktok video, na kung saan ay mapapanood dito ang kanyang pagpi-pre-labor na dinaan pa nga ni Angge sa pagsayaw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Nagbahagi rin naman si Angeline ng litrato na kuha naman mismo sa loob ng kanyang van bago ang araw ng kanyang pangaganak, na kung saan ay makikita ang litrato ni Angge na nakaupo sa isang seat habang nakalabas ang kanyang baby bump na may nakasulat pa na “Ready to pop!”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Isa pang litrato rin ang kanyang ibinahagi na siyang makikita na nakasuot na ng oxygen mask ang first time mom na siyang takda na ng kanyang nalalapit na panganganak.

Marami naman sa mga kaibigan at katrabaho ni Angge ang nagbigay ng kanilang pagbati at komento para sa matagumpay na panganganak ng singer-actress.




Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Komento ng mahusay na singer na si Morissette Amon, “Woohoo congrats Anggeeeee 💚”

“Congrats teeeeeh waaaaah so happy for you! Bb 😍😍😍” komento naman ng kanyang kaibigang si Darla.


Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Pagbati naman ni Melai Francisco, “Congrats Angge”

Ilan pa sa mga nag-iwan ng kanilang komento ay sina Yeng Constantino, Martin Nievera, Crisha Uy, Luis Manzano, Loisa Andalio, Jessy Mendiola, at marami pang iba.