Philmar Alipayo, proud na ibinahagi ang litrato habang nagsu-surfing kasama ang anak na si Lilo

Sa kanyang ipinakitang husay at galing sa surfing ay hindi maikakaila na talaga namang kahit sino ay mapapabilib at mamamangha sa natatanging talento ng professional surfer na si Philmar Alipayo.


Credit: @chepoxz on Instagram

Sa kanyang ipinamalas na galing mula sa pagtayo sa surfing board ang tila nagdala nga sa kanya sa tagumpay upang ilang beses ng magwagi sa mga kompetisyon na kanyang sinalihan.

Ngunit, sa kabila nito ay hindi lamang pala bilang isang mahusay na surfer ang hahangaan kay Philmar, kundi kahanga-hanga rin ang kanyang pagiging isang huwarang ama sa kanilang mga anak ng kanyang fiancé na si Andi Eigenmann.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Bago pa man bumuo ng isang masaya at magandang pamilya sina Philmar at Andi, ay ipinakita na ng surfer champ ang kanyang pagiging isang mabuti at mapagmahal na partner sa dating aktres.

At ng sila ay mabiyayaan ng dalawang naggagandahan at naggagwapuhang mga anak, ay dito naman ipinakita ni Philmar ang kanyang labis na paggabay at pag-alalay sa kanyang pamilya, lalong-lalo na ang pagtuturo ng surfing sa kanyang mga anak.


Credit: @chepoxz on Instagram

Tila nananalaytay na sa dug0 ng pamilya nina Philmar at Andi ang pagiging isang mahgusay na surfer. Kaya naman hindi kataka-takang pati ang kanilang panganay na anak na si Lilo ay kinakitaan na ng pagkahilig sa pagsakay sa surfing board sa murang edad pa lamang nito.

Matatandaang wala pa mang isang taong gulang noon si Lilo ay kanya ng nasubukan ang pagsu-surf, na siyang labis namang ikinatuwa ng mga netizens dahil sa ipinakita nitong katapangan at katatagan habang kasama ang kanyang Papa Philmar na mag-surf sa dagat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


At ngayong dalawang taong gulang na si Lilo, ay tila wala na ngang makakapigil pa sa kagustuhan nitong matuto mag-surf upang maging mahusay na surfer rin tulad ng kanyang ama.

Tulad na lamang ang ibinahaging litrato ni Philmar sa socmed ay makikita ang masayang bonding ng mag-ama sa dagat.




Credit: @chepoxz on Instagram

Makikitang nakatayo ang mag-ama sa surfing board habang walang tak0t na nakipagsabayan sa naglalakihang mga alon. Kapansin-pansin rin ang pag-alalay ni Philmar sa kanyang anak habang sila ay parehas na in-eenjoy ang pagsu-surfing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Kalakip ng kanilang nakakatuwa at nakakamanghang litratong ito ay ang iniwan naman na caption ni Philmar na, “Me baba love”.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang hindi napigilang mamangha at magbigay ng kanilang komento sa nakakabilib na katapangan ng mag-ama sa kanilang naturang litrato.


Credit: @chepoxz on Instagram

“Little Lilo so brave❣❣🤟🤟👍👍”.

“So cute li’l Philmar island girl😍😍😍”.