Coleen Garcia at Billy Crawford, ibinahagi ang kanilang masayang pagdiriwang ng kanilang Wedding Anniversary sa isang napakagandang resort kasama ang kanilang anak na si Amari

Tunay ngang hindi lamang isang panandaliang relasyon ang pag-aasawa bagkus ito ay isang sagradong relasyon na maituturing bilang isang kayamanan upang mapanatili ang alab ng pagmamahal para sa isa’t-isa.


Credit: @coleen on Instagram

At sa tuwing sasapit nga ang espesyal na araw ng anibersaryo ng kasal, ay talaga namang dapat ito ay pinaghahandaan at pinaglalaanan ng oras upang maipagdiwang.

Kagaya na lamang ang mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na nagsimula ang kanilang matamis na pag-iibigan bilang magkaibigan hanggang sa lumalim at nauwi ito sa tunay at wagas na pagmamahalan.


Credit: @billycrawford on Instagram

Kasabay ng paglipas ng panahon ay mas lalo ring pinatitibay at pinatatag ang magandang relasyon at samahan ng mag-asawa. At kahit sila ay nabibiyayaan na ng napaka-cute at gwapong anak na si Amari, ay hindi naman nakaligtaan nina Coleen at Billy na maipagdiwang ang kanilang wedding anniversary ng magkasama.

Kaya naman upang maipagdiwang ang espesyal na araw na ito sa buhay nila bilang mag-asawa, ay masayang nagtungo sina Coleen at Billy sa Amanpulo kasama ang kanilang anak na si Amari.


Credit: @coleen on Instagram

Nito lamang Sabado, ika-23 ng Abril ay masayang nagbahagi ng mga litrato si Coleen na siyang kuha mismo sa kanilang masayang bakasyon sa Amanpulo.

Nilakipan naman ito ng aktres ng caption at sinabing, “How we spent our 4th wedding anniv. Our hearts are so so full!”


Credit: @coleen on Instagram

Sa nasabing litrato ay makikita ang kanilang magagandang family picture habang nakasakay sa isang bangka, at mapapansin sa kanilang mga ngiti ang labis na kasiyahan.

Samantala, nagbahagi rin ang TV host na si Billy ng kanilang masayang family picture bilang pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary.




Credit: @coleen on Instagram

Aniya, “Late 4th anniversary post! Spent it in Amanpulo with the love of my life and our little bundle of joy! Such an amazing trip, can’t even describe it. To the 4th and again to 4ever!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Tila hindi nga matatawaran ang sayang naramdaman ng dalawa sa kanilang pagdiriwang ng ikaapat na anibersaryo bilang mag-asawa.

Samantala, hindi naman nakalampas sa paningin ng mga netizens ang nakabibighaning beach body ng aktres na si Coleen, matapos niyang ibahagi ang kanyang magandang hubog na katawan na may munting pasilip pa ng kanyang well-defined abs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Umani naman ng samu’t saring komento at paghanga ang litrato na ito ni Coleen at ilan pa sa mga nagbigay ng kanilang komento ay ang mga kilalang personalidad sa showbiz.

Tulad na lamang nina Iya Villania, Carla Abellana, Barbie Imperial, Jessy Mendiola, Denise Laurel, Maja Salvador, Isabelle Daza, Angel Locsin at marami pang iba.


Credit: @coleen on Instagram

Hindi naman nagpahuli si Billy at nag-iwan rin ng komento at papuri para sa kanyang magandang misis.

“@coleen Yung na kaka hiya tabihan ang asawa dahil walang wala ako nyan! You worked so hard and I’m so proud of you, sacr!ficing and continuously working hard to achieve the body you want! Na damay na nga ako sa lagree mo eh! But again you look amazing Mommy. Love you so so much! BRAVO My everything”.