Pauleen Luna, proud na ibinahagi ang nakamit na tagumpay ng kanyang napaka-cute na anak na si Tali sa pagtatapos nito sa nursery

Ang edukasyon ay maituturing na isa sa mga pinakamahalagang bagay sa buhay ng bawat isa. Dahil maliban sa ito ang nagsisilbing pamana ng ating mga magulang, ay sumasalamin rin ito sa daan patungo sa minimithing tagumpay.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Tunay ngang ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng isang magulang. Kaya naman napakalaking karangalan para sa kanila na masaksihan ang unti-unting pag-abot ng pangarap ng kanilang mga anak.

Halimbawa na lamang nito ay ang aktres at celebrity mom na si Pauleen Luna-Sotto, na talaga namang makikita ang kanyang pagiging proud mom sa kanyang anak na si Talitha Sotto o mas kilala bilang si Tali, sa nakamit nitong tagumpay sa edad na apat na taong gulang.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Ang tagumpay nga na nakamit ng napaka-cute at bibong bata na si Tali ay ang makapagtapos ng nursery, na siyang labis na ikinatuwa at ikina-proud ni Pauleen sa kanyang anak.

Ang magandang balitang ito ay ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram account nito lamang Biyernes, ika-22 ng Abril. At makikita sa mga litrato na kanyang ibinahagi ang cute na cute na si Tali, na kung saan ay makikitang nakasuot ito ng white dress habang hawak-hawak naman nito ang kanyang diploma.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Pagbabahagi ni Pauleen, “This little girl graduated Nursery today”.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na noong Oktubre ng nakaraang taon ng ibahagi rin ni Pauleen, ang balita patungkol sa pagsisimula ng pag-aaral ni Tali bilang isang nursery student.


At kasabay nga ng pagpapatupad ng online class at ang isang taon na pag-aaral ni Tali sa nursery, ay sino ang mag-aakala na ito na rin pala ang araw ng kanyang graduation.

Pagbabahagi ni Pauleen, “I can’t believe we survived 1 whole school year of online class! I cannot wait for the day when she’ll be able to bond with her classmates in person but I am grateful for the time we spent (and f0ught) during classtime!”




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Umaapaw nga ang tuwang nararamdaman ni Pauleen para sa panibagong milestone na nakamit ng kanyang anak. At hindi maitatanggi na sa kabila nito ay patuloy pa rin ang kanyang pagsuporta at paggabay sa bawat daan na tatahakin pa ni Tali.

“Congratulations Tali!!! Congratulations also to all mommies, daddies and yayas who patiently guided all their children this SY! Now let’s celebrate!” dagdag pa nito.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Samantala, ibinahagi rin ng celebrity mom ang moving up day activities ni Tali, na kung saan ay makikita ang pagsayaw nito at ang pagtanggap ng kanyang diploma.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang pagbati at komento para sa nakamit na panibagong milestones sa buhay ni Tali.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

“Congratulations pretty girl ❤️❤️”

“Wow Congratulations Tali❤️❤️❤️👏👏👏”