Camille Prats, nagbigay pasilip sa kanilang napakalaki at napakagandang ipinatayong bahay

Hindi na nga maitago pa ng aktres at celebrity mom na si Camille Prats ang nadaramang excitement at kasiyahan, matapos niyang ibahagi sa kanyang YouTube channel ang munting pasilip sa dream house na kanilang ipinatayo ng kanyang asawang si VJ Yambao.


Credit: Camille Prats Yambao Youtube Channel

Matatandaang minsan ng ibinahagi ni Camille sa publiko ang plano nilang pagpapagawa ng kanilang dream house at ang pagbibigay update patungkol rito.

At dahil tunay ngang pangarap ng karamihan ang makapagpatayo ng isang napakaganda at sariling tahanan, ay hindi na pinalagpas pa ng TV host na maibahagi ang blessing na ito ng kanilang pamilya.


Credit: Camille Prats Yambao Youtube Channel

Ayon kay Camille, dalawang taon na raw ang nakalilipas simula ng kanilang simulan ang pagpapagawa sa kanilang pinapangarap na bahay, na siyang kalaunan nga ay naantala rin dahil sa labis na pag-iingat mula sa kumakalat na v!rus.

Pagbabahagi niya, “It’s already mid-March at kami ay lipat na lipat na. The house is finally almost done after 2 years of building it. Syempre the struggle and the challenges of building it during a pandemic, na ang daming naging restr!ctions and pr0tocols.”


Credit: Camille Prats Yambao Youtube Channel

Kaya matapos ang ilang taon na paghihintay ay sa wakas naisakatuparan na ang matagal na nilang hinihintay, ang nalalapit nilang paglipat ng kanyang pamilya sa kanilang napakaganda at napakalaking dream house.

“Finally! we are almost ready to move in!” saad nito.


Credit: Camille Prats Yambao Youtube Channel

Sa video ay makikitang ipinasilip ng aktres ang ilan sa mga natapos ng gawin sa loob ng kanilang bahay, magmula pa lamang sa ceiling at paglalagay ng mga ilaw ay makikitang natapos na rin.

Ibinahagi naman ni Camille na nais umano nilang mag-asawa ang ma-appreciate ang kagandahan ng kanilang paligid, kaya naman ay makikitang pawang large glass windows at glass sliding doors ang napili nilang gamitin para dito.




Credit: Camille Prats Yambao Youtube Channel

Magmula pa lamang sa kanilang 1st floor ay ipinakita na ni Camille ang kanilang kitchen, dining area, at living room. At pagdating nga sa 2nd floor ay dito na sasalubong sayo ang kanilang balcony, family room at master bedroom.

Pagdating naman sa kanilang master bathroom, ay makikita rin na maliban sa mga kulay itim na faucet at fittings na napili nilang ilagay na kulay para rito, ay isa rin sa mga ipinalagay ng celebrity mom ay ang kanilang towel warmer.

Aniya, “Syempre kapag babae ka tapos mahaba yung buhok mo, e, I always only used 1 towel. So hindi siya agad natutuyo, syempre maliligo ka sa umaga at sa gabi, ayoko na ginagamit siya tapos nag-aamoy kulob.”

“Kaya that towel warmer is really something na ipinaglaban ko na dapat mayroon talaga dito.” dagdag pa niya.


Credit: Camille Prats Yambao Youtube Channel

Sunod din niyang ipinasilip ang kanilang walk-in closet at vanity area ng kanyang mister. At hindi rin naman nagpahuli ang smart lock na pintuan ng kanilang master bedroom na siyang isa sa mga paborito ni Camille sa kanilang kwarto.


Credit: Camille Prats Yambao Youtube Channel

Sa huling bahagi ng video, ay sinabi ni Camille na sila ay magpapatulong sa isang mahusay at magaling na interior designer upang mas mapaganda pa lalo ang kanilang Yambao House.