Bea Alonzo, ipinasilip ang kanilang ipinagawang chapel at gym sa loob mismo ng kanilang napakalawak na farm

Magmula sa kanyang pagiging simple at humble person, ay hindi maikakailang isa si Bea Alonzo sa mga pinakapopular at matagumpay na aktres sa mundo ng showbiz.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Kaya hindi nakapagtataka na sa kabila ng kanyang pagsusumikap sa buhay ay ganoon na lamang kalaki ang mga biyayang kanyang natatanggap, lalong-lalo na sa kanyang karera bilang isa sa mga pinakamahusay na artista.

At sa makalipas nga ng halos dalawang dekada ay nakapagpundar ang aktres ng farm, na kanilang tinawag bilang Beati Firma.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Kaya naman matapos isapubliko ni Bea ang kaniyang naipundar na napakalawak at napakagandang farm sa Zambales, ay marami na nga sa kanyang mga tagahanga ang siyang nakaabang sa bawat kaganapan at update sa kanilang farm.

Sa panibagong video na ibinahagi ni Bea sa kanyang vlog, ay dito na ipinasilip ng award winning actress ang ilan sa mga updates sa kanilang farm at isa na nga rito ang munting chapel na sariling disenyo mismo ng kanyang ina na si Madame M.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Aniya, “Our farm is a work in progress, so lagi kaming may bagong dinedevelop and that’s what nice on having a farm.”

Ang chapel na ito ay minsan ng ipinasilip ng aktres sa kanyang previous vlog, na kung saan ay dito idinaos ang misa noong Disyembre.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Sa tulong ng kanilang landscaper, ay tuluyan ngang naipatayo ang 40 sqm. nilang Chapel, na siyang inspired umano sa mga nakuha nilang disenyo sa Pinterest ang naging kinalabasan nito.

Pagbabahagi ni Bea, “Since the pandemic kasi hindi na kami nakakapagsimba, e si Mama mahilig magsimba – [kaya] napag-isipan namin na magpagawa na rin. Not only for us, [but] for the entire staff namin and their families.”


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

“To be honest, ano na rin namin parang pasasalamat talaga kasi sobrang overflowing yung blessings [na natatanggap namin]. Kaya dapat hindi lang healthy body, kundi healthy soul and healthy mind.” dagdag pa nito.

Sa kanilang pagpapatayo ng sariling chapel ay isa umano sa balak gawin ni Madame M ay dito niya papabinyagan ang kanyang bagong apo at ang kanyang plano na muling ipakasal kapatid ni Bea na si James at ang misis nitong anak ni Bayani Agbayani na si Thalia Rogacion.

“Dito ko papabinyagan yung bago kong apo, magiging apo ko pa ulit. Tapos plano ko ipakasal ulit si James at Thalia.” saad nito.

At maliban nga sa kanilang munting chapel ay isa sa mga bagong ipinagawa rin ni Madame M ay ang kanilang sariling gym, na makikita sa likurang bahagi ng kanilang basketball court na siyang ipinagawa nito para kay Bea.




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Aniya, “Katulad ng munting chapel, pinagawan na rin kita ng gym para ‘di ka nagrereklamo na tumataba ka every time na nandito ka.”

Bukod pa nga sa gym ay isa rin sa kanilang dinagdag sa farm ay ang sariling bahay ng kanilang mga alagang baboy na sina Sam, Gyup at Sal. “At tsaka pinagawan ko na rin ng bahay sina Sam, Gyup, Sal, kasi dumami na sila.”


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Talaga nga namang kahanga-hanga ang ipinakitang pagsusumikap ni Bea, dahil ang kanyang munting pangarap lang noon na farm para sa kanyang pamilya ay naisakatuparan na.