Angeline Quinto, ipinasilip ang ginagawang renovation at plano para sa kanyang magandang bahay

Hindi maikakaila na marami sa atin ang naghahangad na magkaroon ng maayos na tirahan na kung saan bubuo ng masasayang ala-ala at magsisilbing pr0teksyon at tahanan ng ating pamilya.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

At kung marami sa ating mga kilalang personalidad sa showbiz ang nakakapagpundar na ng kanilang pinapangarap na bahay, ay marami naman ngayon ang nagpapa-renovate ng kanilang mga tahanan, na siyang hindi nakapagtataka lalo pa’t marami na ang lumalabas na mga bago at modernong disenyo upang mapaganda ang mga ito.

Tulad na lamang ang mahusay na singer at soon-to-be mom na si Angeline Quinto, na siyang ibinahagi sa kanyang latest vlog ang mga magiging kaganapan sa bagong bahay na kanyang ipapa-renovate.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Tunay ngang marami ang nagbabago sa ating buhay kapag ikaw ay naging ganap ng isang magulang. Kaya naman para kay Angge at sa kanyang non-showbiz partner, ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang baby boy ang kanilang prayoridad ngayon.

Aniya, “Hindi naman ito kasing laki ng bahay na katulad sa Don Jose kung saan ako tumira before. Ang gusto ko lang maging maaliwalas tingnan at siyempre, dahil magkakaroon na ako ng sarili kong family. Para sa baby talaga ang priority namin sa bahay na ito.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

At sa tulong ng kanyang interior designer na si Nicole Tan, tila isang simple ngunit maayos at magandang disenyo ang ninanais ni Angge para sa kanilang magiging bahay.

Pagbabahagi niya, “Yung design na gagawin natin ngayon simple lang siya maganda, and at the same time magiging safe para doon sa baby.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Makikita sa kanyang vlog ang ilan sa mga rendered image ng kanilang bahay, na kung saan ay kanyang ipinakita sa mga ito ang magiging nursery room ng kanilang baby boy, ang living room, dining at kitchen area.

Ipinakita rin ni Angge ang magiging after look ng kanilang hallway sa 2nd floor, na kung saan ay dito ilalagay ang mga koleksyon na religious images ng singer-actress, pati na rin ang kanyang sariling recording studio, dressing room, at master bedroom ay makikita rin mula dito.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Maliit man ang naturang bahay ngayon ni Angge kumpara sa dream house na kanyang ipinatayo noon para sa kanyang Mama Bob, ay ayos lang basta ito raw ay maging maganda at maayos.

Ayon sa kanya, “Kahit maliit lang ‘yung bahay, at least maganda at maayos.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

“Kasi siyempre kapag bumalik na ulit yung mga trabaho after kong manganak, kapag nabugbog na naman ako sa work, siyempre iba pa rin talaga yung [may] uuwian kang bahay na alam mong komportable ka.” ani pa nito.