Buboy Villar, di napigilan na maging emosyonal muli nang ihatid naman ang kanyang bunsong anak sa airport papuntang ibang bansa

Tunay ngang hindi madali para sa isang magulang ang mawalay sa kanilang pamilya, lalong-lalo na sa kanilang mga anak. Pagdating sa pagdedesisyon ay hindi na pansariling kapakanan ang siyang inuuna, kundi ang makakabuti na para sa kanilang mga anak at pamilya.


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Kaya naman kahit kaakibat nito ang nadaramang lungkot, basta “para sa future”, ay handang isasaalang-alang ito ng komedyante at Kapuso actor na si Buboy Villar ang kanyang labis na pagka-miss at pagkawalay sa kanyang mga anak.

Matatandaang noong Nobyembre ng nakaraang taon, ng unang ihatid ni Buboy ang kanyang panganay na si Vlanz Karollyn papuntang Amerika, na kung saan ay kasalukuyang naninirahan ang ex-partner ni Buboy na si Angillyn Gorens, upang maasikaso ang US citizenship ng kanilang anak.


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

At makalipas nga ang ilang buwan matapos ang naging paghatid ni Buboy sa kanyang panganay, ay tila hindi rin naman napigilan ng aktor na malungk0t sa naging pag-alis naman ngayon ng kanyang bunsong anak na si George Michael.

Sa ibinahaging vlog ng aktor nito lamang ika-14 ng Marso, ay makikita ang naging paghatid ni Buboy sa kanyang anak sa airport, na ayon sa kanya ay maninirahan ng isang buwan ang kanyang anak sa Amerika.


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Kung ang pag-uusapan lang rin naman ay ang “future” ng kanyang mga anak, ay hindi naman itinanggi ni Buboy ang kanyang nararamdamang lungkot sa kanilang paghihiwalay ng kanyang anak.

Ngunit dahil ito nga ay para sa magandang kinabukasan ng mga ito ay ayos lamang sa kanya at handa siyang isakr!pisyo ito.


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Aniya, “Kumbaga ako naman ay malungkot, pero ako, okay ako. Basta para sa future ng mga anak ko, isa-sacr!fice ko ‘yan.”

“Yung pagka-miss ko, nandyan na ‘yan. Pero mas maganda i-s3cure natin yung future nila.” dagdag pa niya.

Mapapanood rin sa vlog ni Buboy ang ilan sa mga bilin nito para kay George bago ito tuluyang pumasok ng airport.




Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Ayon sa kanya, “You hug Ate Vlanz for me and kiss Ate Vlanz for me. Okay? You’re gonna play with mama, and mamita and then, Vlanz. Ate Vlanz is so excited for you to go there to America.”

Taong 2018 nang mapabalita ang hiwalayan nina Buboy at Angillyn, ngunit sa kabila man nito ay nanatiling magkaibigan pa rin ang dating magkasintahan para sa kanilang mga anak.