First Time Mom na si Rachelle Ann Go, nagbahagi ng masasayang kaganapan sa naging pagdiriwang ng 1st birthday ng kanyang anak na si Baby Lukas

Ang pagiging isang ina ay hindi kailanman mapapantayan ang kaligayahang hatid nito sa bawat kababaihan. Tunay ngang hindi madali ang pagiging isang ina, magmula pa lamang sa pagbubuntis, panganganak at pag-aalaga ng sanggol ay kaakibat na agad nito ang sak!t at h!rap.


Credit: @gorachelleann on Instagram

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang h!rap at pagod na nadarama ay hindi na alintana kapag nasilayan mo na ang maamong mukha ng iyong anak.

Kaya naman bilang isang first time mommy na si Rachelle Ann Go, ay kanyang ibinahagi ang naramdamang tak0t noon na ngayon ay napalitan na ng nag-uumapaw na tuwa at ligaya sa pagdating ng kanyang anak na si Lukas Judah.


Credit: @gorachelleann on Instagram

Tila kung gaano nga kabilis ang takbo ng oras ay siya ring kasing bilis ang paglipas ng panahon. Kaya ang napaka-cute at gwapong anak ni Rachelle at ng kanyang asawang si Martin Spies na si Lukas, ay nagdiwang na nga ng kanyang unang taong kaarawan.

Matatandaang isinilang ng singer-actress si Baby Lukas noong ika-26 ng Marso, noong nakaraang taon, ilang linggo bago ang naging pagdiriwang ng ika-3 anibersaryo nila bilang mag-asawa.


Credit: @gorachelleann on Instagram

At sa paglipas nga ng isang taon, ay sino ang mag-aakala na ang dating naghatid ng kaba at tak0t sa puso ng celebrity mom ay masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan sa Dubai.

Sa ibinahaging larawan ni Rachelle sa kanyang Instagram post, ay makikita ang naging masayang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak, na kung saan ay mala forest theme ang tema ng selebrasyong ito na siyang mapapansin sa naging disenyo ng customized cake ni Baby Lukas.




Credit: @gorachelleann on Instagram

Samantala, kapansin-pansin rin ang cute na cute na kasuotan ni Baby Lukas habang suot ang isang kulay brown na damit, na talagang nagpalitaw sa mala labanos nitong kutis.


Ayon sa caption na inilagay ni Rachelle, “Our little Lukas turned 1 last week in Dubai!”

“It’s been a huge blessing to have you in our lives this past year. Mama & Papa love you so much!” dagdag pa niya.


Credit: @gorachelleann on Instagram

Marami naman sa mga kilalang personalidad sa showbiz ag nagpahatid ng kanilang pagbati at nag-iwan ng kanilang mga komento para sa kaarawan ni Baby Lukas.

Ilan sa mga ito ay sina Anne Curtis, Iya Villania, Isabel Oli-Prats, Shan Ako, at marami pang iba.