Ryzza Mae Dizon, masayang ibanahagi ang kanyang mga pinagkakaabalahan sa loob ng isang araw sa bahay na kanyang naipundar sa Pampanga

Bago pa man maabot ang tagumpay na ating matagal ng hinahangad sa buhay, ay kailangan munang dumaan sa mga pagsubok at matinding paghih!rap.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

At tunay nga na kapag ikaw ay nagsumikap sa buhay at hindi sinukuan ang pangarap na inaasam ay tiyak na matutupad ang minimithing pangarap.

Kaya naman talagang nakakabilib na ang ilan sa ating mga hinahangaang personalidad sa showbiz ay nakapagpundar na nga ng kani-kanilang mga ari-arian.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Tila isa na namang pangarap ang natupad sa binansagang “Aling Maliit” sa industriya ng showbiz na si Ryzza Mae Dizon. Napakalaking pagbabago ang naranasan ni Ryzza nang kanyang simulang pasukin ang mundo ng showbiz.

At sa tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon ay hindi maikakailang dahil ito sa kanyang ibinuhos na sipag at tiyaga sa trabaho. Kaya hindi kataka-takang nakapagpundar muli ng bagong bahay si Ryzza na kanyang ipinatayo para sa kanyang pamilya.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Maliban sa kanyang pagiging batang host sa noontime variety show na Eat Bulaga, ay pinasok na rin ni Ryzza ang vlogging na kung saan ay dito niya madalas ibahagi sa publiko, ang bawat kaganapan at update sa bahay na kanyang ipinapatayo sa Pampanga.

Nito lamang ika-12 ng Marso, ay matatandaang inilahad ni Ryzza sa kanyang “Last House Update” vlog na 95% na nga ang natatapos sa bahay na kanyang ipinatayo. At ang ilan sa kanilang mga kagamitan na nasa Quezon City ay nailipat na rin sa kanilang bagong bahay ngayon.




Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

At makalipas nga ang halos dalawang linggo ay ibinahagi na ng child star ang munting pasilip sa kanyang kwarto, na siyang mapapanood sa kanyang “A Day in My Life in the New House” vlog.

Sa video ay makikitang isinama ni Ryzza ang kanyang mga viewers sa mga naging kaganapan sa kanyang buong mag hapon sa kanilang bagong bahay.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Ilan sa mga ipinasilip nito ay ang kanyang ginawang paglilinis sa kanyang kwarto, at maging ang pakikipaglaro ng card game sa kanyang kapatid ay makikita rin sa bidyong ito.

Samantala, sa kanyang pagtitimpla ng kape para sa kanyang ina, ay ibinahagi rin ni Ryzza na ang kanilang kusina ang siyang pinakapaborito niya sa kanilang bahay, na siyang biro pa niya ay “halata naman” daw sa kanyang pangangatawan.

Bukod pa diyan ay ipinasilip rin niya ang ilan sa mga updates sa labas na bahagi ng kanilang bahay, na kung saan ay kasalukuyang makikita na ginagawa ang kanilang laundry area at d!rty kitchen.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Makikita nga na sadyang napakaganda ng bahay na ipinatayo ni Ryzza, idagdag pa ang modernong disenyo at kulay nito na talaga namang nagbigay kagandahan sa kanilang tahanan, dahil sa ito rin ay angkop at nauuso ngayong panahon.