Andi Eigenmann, masaya sa pagbabalik sa kanilang tahanan sa Siargao kasama ang kanyang buong pamilya

Makalipas ang halos higit tatlong buwan, sa wakas ay tuluyan na ngang nakabalik ng isla ng Siargao ang dating aktres at celebrity mom na si Andi Eigenmann kasama ang kanyang pamilya.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Matatandaang namalagi sina Andi kasama ang kanyang mga anak na sina Ellie, Lilo, at Baby Koa sa tahanan ng kanyang ina na si Jaclyn Jose, matapos maapektuhan ang kanilang bahay sa Siargao nang [email protected] ang bagy0ng Odette sa buong isla noong ika-16 ng Disyembre ng nakaraang taon.

Kasabay ng kanilang paninirahan panandalian sa Manila, ay siya ring pag-attend ni Andi sa naganap na kasalan ng kanyang matalik na kaibigan sa Batangas, na siyang kasabay rin nito ang pagdating ng bagy0.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Hindi man nagawang makabalik agad ng Siargao ay nagpabalik-balik naman ang fiancé ni Andi na si Philmar Alipayo sa isla, upang magbigay ng tulong sa kanilang mga kaibigan at kapamilya na labis ring naapektuhan ng naturang bagy0.

Kaya naman sa unti-unting pagbangon muli ng isla sa tul0ng na rin na naibigay na donasyon at tul0ng pinansyal nina Andi at Philmar, at ang ilan sa ating mga kababayan ay nakapagpatayo rin sila ng sampung kabahayan sa isla.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Kaya naman ganoon na lamang ang labis na kaligayahan at excitement na naramdaman nina Andi at ng kanyang pamilya sa kanilang muling pagbabalik sa isla.

Sa latest vlog na ibinahagi ng dating aktres sa kanilang YT channel ang Happy islanders, ay ipinasilip niya ang kaniang naging biyahe mula Butuan City papunta ng Siargao.




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Magmula sa Surigao City port ay sumakay ng ferry sina Andi na siyang unang beses pa lamang nilang na-experience, dahil sa madalas nilang pagsakay ng eroplano bilang kanilang mode of transportation pauwi ng isla.

Bago pa man ang kanilang naturang pagbalik ay nagkaroon rin ng mahabang biyahe ang Happy Islanders, ng kanilang ibahagi ang ilan sa kanilang mga masasayang pit stop sa Cebu, Davao Oriental, Agusan Del Sur at Surigao Del Sur.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

At sa kanilang tuluyang pag-uwi ay labis namang pinasalamatan ni Andi ang kanyang ina at ang kanyang fiancé na si Philmar sa pagsusumikap nitong maayos ang nas!ra sa kanilang tahanan.

Aniya, “Papa (Philmar) made sure that all of the repairs na magagawa sa bedroom namin ay tapos na bago kami makauwi. Syempre ayaw nya na we have to – dahil may choice naman kami to stay with my mom (Jaclyn Jose) in Manila, we stay here.”


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Dagdag pa nito, “I am so grateful for that, but of course kahit hindi na katulad ng dati it’s still home. There’s no better place on Earth [but home],”

“Thanks, Papa, for fixing everything before we come home,” saad pa ng aktres.