Gladys Reyes at Christopher Roxas, nagbahagi ng kani-kanilang matamis na mensahe bilang pagdiriwang ng kanilang ika-29 taon na anibersaryo

Isang espesyal na araw ang ika-23 ng Enero para sa beteranang aktres na si Gladys Reyes at mister nitong si Christoper Roxas. Ang araw lang naman na ito, ay pagsariwa sa kanilang ginawang sumpaan at pag-iisang dibdib bilang ngayon ang 29 taon nilang magkasama sa h!rap at ginhawa.


Credit: @iamgladysreyes on Instagram

Isang taon na lamang nga at mag-ta-tatlong dekada na ang pagsasama nina Gladys at Christopher. Kaya naman bilang pagdiriwang ng kanilang ika-29 na aniberaryo, ay nagbahagi ang celebrity couple ng kani-kanilang pagbati para sa isa’t-isa.

Ang aktor na si Christopher, ay nagbahagi ng isang sweet na larawan nila ng kanyang misis na si Gladys na syang matatanaw sa kanilang likuran ang Eiffel Tower ng Paris, France.


Credit: @iamgladysreyes on Instagram

Sa sweet na litrato nilang ito na magkasama ay siya namang nilakipan niya ito ng caption na, “Bebe minsan lang to..before the day ends just want to say luv u sooo much ..salamaqt sa lahat ..bukas bagong buhay na.”

Samantala ang mahusay naman na aktres na si Gladys ay nagbahagi rin naman ng kanilang throwback photo, na kuha noong sila ay magkasintahan pa lamang, hanggang sa araw ng kanilang kasal at mga larawan rin ng sila ay mag-asawa na kasama ang kanilang mga anak.


Credit: @iamgladysreyes on Instagram

Ang nasabing larawan nilang magkasama ay nilakipan ni Gladys ng caption na, “From the first pic, 29 years ago, to the last photo. Almost 3 decades!! Yes, it’s possible! It wasn’t easy, it wasn’t perfect, but our faith made us stronger, holding on to what we have that is beautiful and rare. Happy Anniversary bebe @christopherroxas!! #29yearsoftogetherness.”


Maliban naman sa naunang post na ito ni celebrity mom, ay nagpost rin siya sa kanyang Instagram account ng larawan at video, na kuha naman sa simpleng pagdiriwang ng kanilang 29th anniversary sa loob ng kanilang tahanan.




Credit: @iamgladysreyes on Instagram

Makikita na sinorpresa ni Christopher si Gladys ng mapupulang mga rosas na may kasama pang isang love letter.


Masisilayan sa mukha ng bawat isa ang masasayang ngiti habang kanilang ipinapakita ang kanilang simpleng handaan, na simbolo ng kanilang masayang pagdiriwang.


Credit: @iamgladysreyes on Instagram

Patunay lamang na possible ring tumagal ang isang relasyon tulad ng kina Gladys at Christopher, hangga’t may dasal at pananampalataya sa Panginoon, tiyak na ang pagsasama ay tatagal ng higit pa sa ating inaakala.