Sheena Halili, ibinahagi ang naisip na bagong bonding activity na talagang na-enjoy ng kanyang napakacute na anak na si Martina

Sa paglaganap ng mga modernong teknolohiya at pag-usbong ng iba’t-ibang uri ng gadgets na naimbento at patuloy na pinalalakas, ay tila unti-unti na nga nawawala sa kultura at isipan ng mga bata ang dating nakagawian na pakikipaglaro at pakikipaghalubilo sa kapwa.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Kaya naman ang first time mom na si Sheena Halili na isang mahusay na aktres at entrepreneur, ay isa lang naman sa mga nakaisip na gawing kapaki-pakinabang at makabuluhan ang pakikipag-bonding sa kanyang cute na cute na anak na si Baby Martina.

At dahil patuloy na nag-i!ngat ang bawat pamilya dahil sa kumakalat na v!rus, ay nakaisip naman ng isang magandang ideya si Sheena upang libangin si Baby Martina.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Aniya, “Mommies, alam ko lahat tayo nauubusan na ng activities. Share ko narin sa inyo ang 5-10 minutes activity na ito.”

At ito nga ay sa pamamagitan lamang ng 3 bagay na madalas mayroon sa loob ng ating tahanan, ito nga ay walang iba kundi ang yelo, isang bowl o lalagyan at oatmeal.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Ngunit ang tatlong bagay na ito ay hindi gagamitin sa pagluto, kundi ito lang naman ay gagamitin para sa isa sa mga magandang home activity, na maaari ring gawin ng bawat mommies sa kanilang mga anak.

Kaya naman bago simulan ang masayang activity na ito ay nagbigay rin ng payo si Sheena para sa mga katulad niyang mommy na rin.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

Paalala at payo ni Sheena, “BANTAYAN mabuti dahil isusubo parin nila yang ice at oatmeal. Pwede naman nila ifeel sa lips pero wag kakainin!”

Sa pamamagitan ng yelo at malaking bowl, ay nakaisip si Sheena na gamitin ito upang maging libangan ni Baby Martina habang sila ay nasa loob lamang ng bahay.


Ayon sa kanya, “We used ice cubes & a large bowl may oatmeal rin na nakatabi para sa next paandar ng nanay.”


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Pagpapatuloy ni Sheena, “huhul!hin niya ang ice cubes mas masaya pag nahulog sa labas ng bowl dahil huhulihin na ng mas mahirap na level.”

At kapag nga raw natunaw na ang yelo, ay dito naman niya sinimulang ilagay ang oatmeal, upang ito ay magmukhang buhangin.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Aniya, “’pag medyo tunaw na lahat ng ice nag lagay ako ng oatmeal lalaruin niya na parang sand yung oatmeal.”

Tila ang magandang ideya nga na ito ni Sheena ay labis na nagbigay aliw at nagustuhan ni Baby Martina, na siyang makikita sa mga ibinahaging litrato ng aktres sa kanyang social media.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Kwento pa ng aktres, ay nagawa niya pa raw mag ice cream habang busy at aliw na aliw ang kanyang anak sa maganda at kakaibang activity na ito.

“Ang babaw pero nakapag ice cream ako habang busy siya.”