Dating VJ na si Andi Manzano, naging emosyonal matapos ibigay ang sorpresang bago at napakagandang sasakyan sa kanyang mga magulang

Bilang isang anak ay wala tayong ibang ninanais para sa ating mga magulang, kundi ang maibalik natin sa kanila ang lahat ng sakr!pisyo at paghih!rap nila para sa atin.


Credit: Andi Manzano Youtube Channel

Kung kaya naman bago pa lamang magtapos sa kolehiyo, ay atin ng pinapangarap ang magkaroon ng magandang trabaho, upang maibigay sa kanila ang buhay na matagal na nating gusto.

Kaya naman ang dating MTV VJ at social media influencer na si Andi Manzano, ay isa rin naman talagang butihing anak na nagnanais na mabigyan nang isang bagong sasakyan ang kanyang mga magulang.


Credit: Andi Manzano Youtube Channel

Ayon kay Andi ay halos tatlong taon na rin ang nakalipas ng kanilang planuhin ng kanyang asawa na si GP Reyes, ang sorpresang sasakyan na kanilang pinag-ipunan upang maibigay sa kanyang mga magulang.

Aniya, “We’ve been planning it for the past 3 years and you know every time GP brings it up, I just let it pass because I feel like I don’t want to expect before but it’s actually there.”


Credit: Andi Manzano Youtube Channel

Dagdag pa niya, “My parents live all the way in Antipolo, and their car is a little old and no longer dependable. In 2019 my husband and I started saving up to get them a brand-new car.”

At dahil nga sa kagustuhang mabigyan ng isang bagong sasakyan ang mga magulang, ay isang munting sorpresa ang kanilang inihanda na siyang ibinahagi ni Andi sa kanyang YT channel.


Credit: Andi Manzano Youtube Channel

Isang brand-new Geely Okavango na sasakyan ang kanilang binili, na kung saan ay makikita pa ang pagiging emosyonal ni Andi ng sa wakas ay maibibigay na rin niya ang matagal na niyang pangarap na sasakyan para sa kanyang mga magulang.

Ayon kay Andi, “It really was such an emotional and happy day for our family.”




Credit: Andi Manzano Youtube Channel

“I can’t believe I’m actually sitting here; it feels like a dream to be honest, and we’ve searched for the perfect car that would fit them,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa nito, “We searched and researched for the perfect one for them. Trying different brands and after much thought we decided that the Geely Okavango was the best choice.”

Magkahalong tuwa, saya at pagiging emosyonal ang masisilayan sa naging reaksyon ng kanyang mga magulang ng kanilang ibigay ang sorpresang brand-new car.


Credit: Andi Manzano Youtube Channel

Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam na masilayan ang bawat tuwa at ngiti sa labi ng ating mga magulang. At ito ay isang magandang alaala na kailanman ay hindi mapapalitan ng kahit anong materyal na bagay.

Ayon kay Andi, “We all have our ups and our downs but were still so many things to be thankful for. I feel like we’ve been blessed so much as a family that we wanted to also bless the people that we love.”