Marjorie Barretto, ipinasilip at binuksan sa publiko ang kanyang maganda and maaliwalas na rest house

Marami na sa mga kilalang personalidad ngayon sa showbiz ang masayang ipinapasilip ang mga bagay na kanilang mga naipundar sa pamamagitan ng vlogging.


Credit: Marjorie Barretto Youtube Channel

Ilan sa mga kilalang artista na ito ay madalas ipakita ang kanilang naglalakihan at naggagandahang mga bahay, magandang sasakyan, at malaking bahay bakasyunan.

Ngunit may iba din sa kanila na sa kabila ng pagiging pribado ng kanilang buhay, ay unti-unting ibinibukas ang mga pintuan upang magbigay inspirasyon sa karamihan.


Credit: Marjorie Barretto Youtube Channel

Tulad na lamang ng isa sa mga sikat at tinitingalang celebrity mom na si Marjorie Barretto, na hinahangaan natin ngayon pagdating sa pagiging isang huwaran at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak.

At nito lamang ika-16 ng January, sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip na ni Marjorie ang rest house na kanyang naipundar sa Calumpit, Bulacan.


Credit: Marjorie Barretto Youtube Channel

Pagbabahagi ni Marjorie, “Little by little, I’m sharing a little bit of my private life with you. I’m sharing this place because this is where the kids grew up, we have so many memories here.”

Ang rest house na ito ng kaniyang pamilya ay kaniyang pinangalanan bilang River Garden, na ayon sa kanya ay dati raw na tawag nila dito ay ‘Ilog’.


Credit: Marjorie Barretto Youtube Channel

Aniya, “Dati ang tawag talaga namin dito ay Ilog, kapag sinabi ‘Punta tayo sa Ilog’, ito yun. Pinalitan ko lang ng River Garden.”

Kung ang hanap mo ay magandang bahay bakasyunan at lugar upang makapag-relax at makapag-unwind, ang River Garden ang perfect para sa’yo.


Credit: Marjorie Barretto Youtube Channel

Pagpasok pa lamang ay makikita na ang mala cozy at Filipino style na disenyo ng kanilang pavilion, na kung saan ay makikita rito ang ilan sa mga antiques na kagamitan na bigay mismo ng kanyang ina na si Estrella Castelo Barretto.

Kwento pa ng celebrity mom, “Sa hilig ko po sa bahay, dahil mahilig po ako mag interior, mag ayos-ayos, little by little napuno naman namin ‘to with all of my old stuff.”


Credit: Marjorie Barretto Youtube Channel

Dagdag pa niya, “Alam ko na old soul ako, dahil napakahilig ko talaga sa furniture na sinauna.”

Mapapansin rin ang iba’t-ibang klaseng bamboo style ng kanilang mga furnitures magmula pa lamang sa kitchen at gazebo, na siyang bumagay sa mala nature vibe ng kanilang rest house.




Credit: Marjorie Barretto Youtube Channel

At mula nga sa pangalan nitong River Garden, ay matatanaw mo na ang Angat River magmula pa lamang sa kanilang view deck, na ayon mismo kay Marjorie ay isa ito sa favorite spot ng kaniyang pamilya.

Maliban sa magandang tanawin na ito, ay ipinasilip rin ni Marjorie ang kanyang secret garden at ang kanilang napakagandang courtyard, na masisilayan agad ang ganda at katahimikan ng lugar.

Sunod rin niyang ipinasilip ang kanilang swimming pool na siyang ipinagawa ni Marjorie magmula sa pera na kanyang napanalunan noon ng siya ay minsang sumali sa “Pera o Bayong”.

Ipinasilip rin niya ang apat na kwarto na kaniyang ipinangalan mismo sa mga pangalan ng mga bulaklak.


Credit: Marjorie Barretto Youtube Channel

Ang rest house na ito nina Marjorie, ay bukas na para sa mga private rentals at gusto ng magbakasyon.

“As a matter of fact, River Garden is now open for private rentals – we are inviting families to come together or good friends, just as small group of 15 people at a time,”