Gabbi Garcia, nagbalik ang mga magagandang ala-ala dahil sa naitagong tent ng kanyang daddy

Kung pagiging adventurous lang rin naman ang pag-uusapan, tiyak na marami sa atin ang mahilig sa galaan at magagandang pasyalan.


Credit: @gabbi on Instagram

Bukod sa pagsu-swimming, ilan pa sa mga activity na madalas ginagawa ng magba-barkada at pamilya ay ang camping at hiking.

Nakakatuwa nga naman at masarap sa pakiramdam na gawin ang activity na ito, lalo pa’t marami rin itong naidudulot na magandang benepisyo sa ating mga katawan at isipan.


Credit: @gabbi on Instagram

Kaya naman sa mga nakakaramdam ng kalungkutan at pagod magmula sa araw-araw na pagpasok sa trabaho, gustong mag-relax at sulitin ang magandang panahon, ang pagka-camping ang siyang makakatulong para sa’yo.

At sa hatid na saya at magandang pahinga ng pagka-camping, tila hatid naman nito ay magandang ala-ala para sa Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


Sa katunayan nga nito, ang camping ang siyang naghatid kay Gabbi sa isang magandang ala-ala noong siya ay maliit pa lamang.

“same same but different,” ganiyan nga ang naging pahayag ng aktres ng kanyang balikan ang nakaraan, magmula ng kanyang maranasan ang hindi malilimutang camping experience noong siya ay 3 o 4 na taong gulang pa lamang.




Credit: @gabbi on Instagram

Sa litrato na kanyang ibinahagi sa Instagram, ay makikita ang throwback photos ni Gabbi habang siya ay nasa loob ng isang camping tent.

At isang lumang litrato rin na nagpapatunay na iisa lamang ang camping tent na kanyang ginamit noong siya ay maliit pa lamang, na ngayon ay kanyang nagamit pa rin sa kanilang masayang camping experience kasama ang kasintahan na si Khalil Ramos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


Pagbabahagi ni Gabbi, “trivia: the tent that we’re using now for camping is still the same tent we’ve been using since we were kids! (refer to the 3rd & 4th photo) I was about 3 or 4 years old in these photos. This was the last time we used this tent, until today. I’m so happy my Dad kept it all these years”.


Credit: @gabbi on Instagram

Tila hindi lamang relaxation at peace of mind ang hatid ng pagka-camping, dahil tulad ni Gabbi ay na-experience din niyang mabalikan ang magagandang ala-ala tulad nito.