Alex Gonzaga, pinasyalan at ipinasilip ang bahay ng aktres at dating Miss Universe na si Gloria Diaz

Pagdating sa pagbibigay kasiyahan at good vibes, tiyak na hindi magpapahuli diyan ang aktres, TV host at isa na ring sikat na vlogger ngayon na si Alex Gonzaga.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa bawat vlogs na kanyang ibinabahagi sa kanyang YouTube channel, ay hindi maaaring hindi sasakit ang inyong mga tiyan kakatawa, dahil nga ito sa kanyang bibo at palabirong personality na talaga namang ang lahat ay napapangiti.

Nito lamang ika-17 ng January, ay isa na namang good vibes ang hatid ni Alex sa kanyang mga tagasubaybay, matapos niyang ibahagi ang isang vlog na kung saan ay hindi kanyang pamilya at asawang si Mikee Morada ang guest, kundi ang biro ni Alex ay mga pinsan daw nya ang kanyang makakasama.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Ang tinutukoy na kunwaring ‘pinsan’ ni Alex ay walang iba kundi ang isa sa kanyang matalik na kaibigan sa showbiz na si Isabelle Daza.

Ayon kay Alex, “Sa tagal na natin na nagba-vlog, hindi niyo pa nami-meet kung sino yung mga cousins ko. So now, ipapa-meet ko na sa inyo yung mga cousins ko.”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa pagsisimula ng kanyang vlog, ay makikitang nagkita sina Alex at Isabelle sa isang restaurant, na kung saan ay nakasama rin nila dito ang kapatid ni Isabelle na si Ava Daza.

At nakasama rin nila ang gwapo at panganay na anak ni Isabelle na si Balthazar Gabriel Daza Semblat o mas kilala sa palayaw nito na Baltie.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Matapos ang kanilang masayang kwentuhan ay agad naman nagtungo si Alex sa tahanan ng ina ni Isabelle na si dating 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa tahanan ni Gloria, ay mapapansin na ang ilan sa mga antique na dekorasyon nito, lalo pa ng kanyang ipakita ang sarili nitong ‘shrine’ na siyang mapapansin ang ilan sa kanyang mga memorabilia.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Ipinasilip rin kay Alex ang white kitchen ng dating aktres at ang ilan sa mga makukulay at luntiang halaman na makikita sa kanilang garden.

Maliban pa diyan ay ipinasilip rin ni Isabelle kay Alex ang sariling kwarto nito sa bahay ng kanyang Mommy Gloria.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa pagbisita ni Alex sa tahanan ng dating beauty queen ay tila hindi lamang ang publiko ang nakapansin sa natatanging ganda ni Gloria, dahil pati si Alex ay hindi rin naiwasang purihin ang kagandahan nito.

Aniya, “Ang ganda mo pala Tita pag malapitan.”

Dahil dito ay marami na naman sa mga Netizens ang natuwa at nagbigay ng kanilang mga natatawang rekasyon at komento.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

“Nakakawala talaga ng str3ss to si alex. Lagi ko inaabangan ikaw! Salamat sa walang sawang pagpapatawa sa amin.”

“Nakakagoodvibes ka tlga Ate Alex Morada lagi akong nakaabang sa mga vlogs mo hehe 😙 Apakasimple at ganda ni ate Belle!”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

“Thank you so much for always making us laugh in your videos! Virtual hug for you!❤”