Pokwang, nagbigay ng mensahe para sa kaarawan ng kanyang magandang anak na si Malia

Mahigit dalawang taon na rin simula ng ating maranasan ang pandemya dito sa ating bansa. At ngayon nga ay mas doble ingat pa rin ang ginagawa ng karamihan, lalo pa’t nagsisimula na naman ang pagdami ng bilang ng mga naaapektuhan ng kumakalat na sak!t na ito.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Kaya naman maging ang ilang mga celebrities ay nag-iingat pa rin at mas pinipiling manatili sa loob ng kanilang mga tahanan, upang maging ligtas ang bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Ngunit nasa loob man ng bahay, ay hindi naman naging hadlang ito para sa ilan upang maipagdiwang ang bawat espesyal na araw sa kanilang buhay.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Tulad na lamang ang celebrity mom at komedyanteng si Pokwang, na kung saan ay hindi naging alintana ang kasalukuyang sitwasyon, upang maipag-celebrate ang kaarawan ng kanyang bunsong anak na si Tisay na si Malia O’brian.

Nito lamang ika-18 ng January, ay isang masayang selebrasyon ang inihanda ni Pokwang sa ika-4th birthday ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Sa IG story ni Pokwang ay makikita ang dalawang video ni Malia, na masayang nag-eenjoy sa kanyang inflatable water pool slide.

Tila hindi nga naging hadlang para sa kanila ang pananatili sa loob ng tahanan, lalo pa at kung marami naman ang maaaring gawin upang maging masaya at memorable ang espesyal na araw tulad nito.




Credit: @itspokwang27 on Instagram

At sa kaarawan ni Malia, ay isang nakakaantig at puno ng pagmamahal na mensahe ang siyang iniwan ni Pokwang bilang pagbati sa kaarawan ng kanyang anak.

Kalakip ang kanilang cute na litrato na magkasama ay ang iniwang mensahe nito, “Happy, happy 4th birthday sa aming manika manikaan!!! dalawang taon kana nag b-birthday sa bahay lang dahil sa pandemic na ito, pero ok lang yan nak ang mahalaga l!gtas ka lagi at malusog na bata.”


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Tulad ng ibang mga magulang, ay hangad rin ni Pokwang ang kal!gtasan at malusog na pangangatawan para sa kanyang mga anak na sina Mae at Malia.

Dagdag pa niya, “Thank you, God, sa mga biyaya ko at ito ay aking mga anak malusog na pangangatawan at tak0t sa Dios yan ang wish ko sayo tisay @malia_obrian at maraming cakes yeheeyyyyy i love you! #happybirthdayMalia”.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Samantala,marami naman sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagbigay ng kanilang pagbati para sa kaarawan ng napaka-cute na si Malia.

Ilan sa mga ito ay ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo, aktres na sina Melai Cantiveros, Karla Estrada, Gladys Reyes, KC Concepcion, Carla Abellana at marami pang iba.