Bea Alonzo, di inatrasan ang isang cooking challenge kasama ang kapatid na si James

Madalas nating mapanood sa mga vlog ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang ilan sa masasayang kaganapan sa kanyang buhay, partikular na rito ang masasayang bakasyon sa iba’t-ibang lugar at ang mga espesyal na okasyon na kaniyang ipinagdiriwang.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Ngunit maliban sa mga ito ay ipinapasilip rin ni Bea ang kanyang simpleng pamumuhay sa napakaganda at napakalawak nilang farm sa Zambales, ang Beati Firma.

Kaya naman maliban sa kanyang mga life update, ay isa rin sa mga ibinabahagi ng aktres sa kanyang manonood ay ang kanyang skills pagdating sa pagluluto.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Kung kaya naman ay isang challenge ang naisip na gawin ni Bea sa kanyang panibagong vlog, na kung saan ay kanyang hinamon ang bunsong kapatid na si James pagdating sa mga basic na pagluluto ng mga pagkain sa kusina.

At dahil graduate ng Culinary Arts si James, ay [email protected] niyang tinanggap ang challenge na ito, at kasabay rin ang pagiging judge naman ng kanyang asawa na si Thali na isa ring Culinary Arts graduate.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Kwento ni James, ay hindi raw naging naging madali ang kanyang pag-aaral ng culinary, ngunit dahil sa kanyang determinasyon at kagustuhang matuto ay kanyang nalagpasan ito.

Ayon sa kanya, “First few months ko ng pag-aaral, akala ko madali e, pero tsinaga ako ng Chef ko.”


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Sa pagsisimula ng kanilang challenge, ay [email protected] sina Bea at James pagdating sa kung sino sa kanilang dalawa ang tamang makakagawa ng mga basiccuts sa cooking, at ito nga ay kanilang sinimulan sa onions, potatoes at carrots.

Makikitang sa round na ito ay nakamit ni James ang pagkapanalo sa onions at potatoes, samantalang si Bea naman ang napili ni Thali pagdating sa julienned carrots.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Sa sumunod naman na challenge, ay kinakailangan na makapagluto ang magkapatid ng tatlong klaseng luto ng itlog sa loob ng 5 minutes.

Ang kanilang kailangan lutuin ay ang sunny side up, poached egg, at scrambled egg.




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Pagdating sa round na ito, ay talaga namang makikita ang pagiging abala at pagka-pressure ni Bea habang kaniyang niluluto ang mga itlog.

Aniya, “nakaka-pressure ‘to ah, I don’t like this game.”


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Samantalang si James naman ay chill lamang sa kanyang ginagawa at nagawa pang magkwento patungkol sa kanyang unang gusto noong kolehiyo ay ang mag piloto.

Pagbabahagi niya, “last idea ko mag culinary, dapat magpa-pilot ako. Pero dahil may fear of heights kasi ako, so nag-alangan talaga ako.”


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Sa huling challenge na kanilang ginawa ay tila dito na nasubok ang pagiging madiskarte ni Bea, nang magawa ng maayos ang hollandaise sauce, na siya namang kabaligtaran ng nagawa ni James.

At sa round nga na ito, ay nagwagi muli si James sa 3 itlog na kanilang niluto at si Bea naman ay nagwagi sa tamang pagluluto ng hollandaise sauce.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Tila pa-excite nga ng pa-excite ang mga ganitong vlogs ni Bea, kaya naman ang mga netizens ay hindi na rin makapaghintay pa sa kanyang mga susunod na ilalabas pang mga videos.

“More cooking shows, please. This is a great content. It promotes bonding and it educates us more about cooking.”


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

“Ang saya ng episode. Light pero nakaka good vibes all through out. It shows how bonded they are. Plus maraming matutunan. 😊”