Andrea Brillantes, nasurpresa sa binigay na napakaganda at mamahaling regalo mula kay Dr. Vicki Belo

Marami na sa mga kilalang personalidad sa mundo ng showbiz ang hindi lamang ang kanilang personal na buhay at anking talento ang ibinabahagi sa publiko, kundi pati na rin ang ilan sa kanilang mga ipinagmamalaking kayamanan tulad ng mga materyal na bagay na natanggap at pinagh!rapan ay kanila ring ibinabahagi sa social media.


Credit: Dr. Vicki Belo Youtube Channel

Tulad na lamang ang sikat at bigating personalidad sa showbiz na si Maria Victoria Gonzales Belo-Kho o mas kilala ng nakararami sa tawag na Dr. Vicki Belo.

Si Dr. Vicki ay nakilala ng publiko bilang isa sa mga tinitingala at hinahangaan ng marami dahil sa kanyang pagiging isang mahusay na dermatologist at TV personality. Sa katunayan nga nito, siya ay founder, CEO, at medical director ng kilalang Belo Medical Group.


Credit: Dr. Vicki Belo Youtube Channel

Magmula sa kanyang natamong kasikatan at karangyaan ng buhay, ay hindi nakapagtataka na sya ay isa rin sa mga nahilig pagdating sa mga luxury brands.

Kaya naman sa tuwing may espesyal na okasyon tulad ng kanyang birthday at Pasko, ay hindi maaaring mawalan ng mga naggagandahan at nagmamahalang mga regalo.


Credit: Dr. Vicki Belo Youtube Channel

At sa kakatapos nga lang na pagdiriwang ng pasko ay isang exciting vlog ang ibinahagi ni Dr. Vicki sa kanyang manonood.

Kasama ang young star na si Andrea Brillantes, ay kanilang ginawa ang pag-unbox sa mga regalong natanggap nya noong Pasko.


Credit: Dr. Vicki Belo Youtube Channel

Ilan nga sa mga ito ay ang Chanel small 19 Flap bag, small Kelly Bag, Hermes BTS bag, Hermes lipstick, Fendi bag, isang pares ng Charlotte Olympia shoes, Tiffany & Co. bracelet at isang Hermes coat.

Karamihan nga sa mga natanggap nya na regalong luxury bag, ay nanggaling at regalo umano ng kanyang loving husband na si Doc Hayden Kho.




Credit: Dr. Vicki Belo Youtube Channel

Bago matapos ang video, ay isang munting regalo naman ang ibinigay rin nya kay Andrea, at ito nga ay isang Lady Dior bag na siyang paborito at matagal ng gusto ng aktres.


Credit: Dr. Vicki Belo Youtube Channel

Bukod pa diyan ay binigyan rin nina Doc Hayden ng isang Prada wallet ang aktor at on-screen partner ni Andrea na si Seth Fedelin.

Kamangha-mangha nga naman talaga ang mga natanggap na regalong ito ni Dr. Vicki magmula sa mga taong labis na nagmamahal sa kanya, kaya naman ang mga netizens ay hindi magkamayaw sa pagbibigay rin ng kanilang mga komento.


Credit: Dr. Vicki Belo Youtube Channel

“Really love yah Dra. Vicki and Doc Hayden, so generous and kind ☺❤.. nakaka good vibes always manood sa mga vlogs nyo po 😊”

“I really like to watch doc. Belo vlog because she’s so humble and sweet.”


Credit: Dr. Vicki Belo Youtube Channel

“Awwe…so generous naman doc belo!!! the genuine happiness in blythes reaction ❤️❤️❤️”.