Alex Gonzaga, sinubukan ang pagiging isang teacher sa mga anak nina Chesca at Doug Kramer

Ang TV host at vlogger-actress na si Alex Gonzaga ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ng TV host at social media influencer na si Toni Gonzaga.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Isa si Alex sa maituturing na matagumpay at sikat na content creator or YouTuber sa bansa na mayroon lang naman na 12.1 million subscribers sa kasalukuyan.

Sa kanyang natatanging husay at galing sa pagho-host ay mas lalo ring nakilala ang aktres dahil sa kanyang pagiging komedyante at likas na pagiging mapagbiro sa pagbibigay goodvibes sa mga manonood.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Kaya naman hindi kataka-taka na ang kanyang mga vlogs ay talaga namang patok na patok sa masa, dahil sa mga taong kanyang napapasaya at napapangiti.

Nito lamang Lunes, ika-10 ng Enero ay muli na namang pinangiti ni Alex ang mga Netizens, matapos itong magsilbing isang teacher o guro sa isa sa mga kilala at hinahangaang pamilya sa showbiz ang Team Kramer.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa kanyang pagbisita sa munting tahanan ng Team Kramer, ay makikitang siya ay sinalubong ng mag-asawang Doug Kramer at Chesca Garcia, kasama ang kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin.

Tila ang aktres na si Alex ay nagsilbing isang English teacher ng magkakapatid, na siya namang sumakto sa hinahanap ng mag-asawang Kramer.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Kaya naman pagdating pa lamang sa classroom at sa pagsisimula ng kanilang klase, si Alex ay nagsilbing si Teacher AG at ang kanyang unang itinuro sa mga bata ay ang kanyang sariling pamamaraan sa pag-iintroduce ng kanilang mga sarili sa klase.

Aniya, “It should have a melody.”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Maliban pa diyan ay nagturo rin si Alex sa subject na Mathematics, na kung saan ay kanyang itinuro ang nakakatawang pamararaan ng addition process ang ‘1+1=Magellan’.

At ang pagsagot sa katanungan na ‘Who Let the Dogs Out’, na siyang ayon sa aktres ay ang kanilang dapat isagot ay “Who, who, who, who”.

Matapos ang kanilang study time sa classroom ng magkakapatid, ay kanila naman tinungo ang playroom ng mga ito, na kung saan ay naroroon ang isang slide at ball pit.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa nakakatuwa at nakakatawang study lesson na ginawa ni Alex kina Kendra, Scarlett at Gavin, ay marami na naman sa mga Netizens ang nagbigay ng kanilang natatawang reaksyon sa bidyo na ito.

“I’m always proud of you Alex. the best talaga vlog mo ”.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

“The fact that Gavin is asking when will Alex be back, that means something. They enjoyed being with Alex and she is nice. ❤❤❤”