Ryzza Mae Dizon, may pasilip sa kanyang ipinapatayong dream house sa Pampanga

Gaano man kahirap ang daan na lalakbayin patungo sa tagumpay ay hindi imposibleng marating ito para sa isang taong nangangarap at nagsusumikap sa buhay.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Isa na nga riyan ang former child star na si Ryzza Mae Dizon na bata pa lamang ay nakitaan na ng sipag, tiyaga, at determinasyon sa kanyang trabaho.

Anim na taon pa lamang noon si Ryzza nang manalo sa “Little Miss Philippines” ng longest running noon time show na Eat Bulaga. At matapos nito ay nakilala bilang si Aling Maliit at naging bahagi bilang isa sa mga pinakabatang host ng naturang programa.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Kung iisipin na sa murang edad pa lamang ni Ryzza noon ay maaga na itong namulat sa reyalidad ng buhay at nagsimulang gamitin ang kanyang angking talento upang matupad ang lahat ng pangarap hindi lamang para sa sarili, kundi pati na rin sa kanyang pamilya.

Kaya ngayon ay tila unti-unti na ngang nabibigyan katuparan ni Aling Maliit ang kanyang mga pinapangarap, matapos niyang ibahagi sa Instagram ang update sa ipinapagawa nilang dream house ng kanyang pamilya.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Aniya, “Under construction na po ang aming dream house!!! Super special po sa amin to kaya nag vlog ako. Thank you po Lord sa blessing na ito”

Sa kanyang latest vlog, ay binisita nina Ryzza kasama ang kanyang pamilya ang mismong site na pinagpatayuan nila ng kanilang bahay na mayroong dalawang palapag sa Pampanga na kung saan ay matatanaw ang ganda ng Mount Arayat.




Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Sa kabila ng unti-unting pag-abot sa mga pangarap ng child star, ay malaki rin ang naging pasasalamat ni Ryzza sa Panginoon para sa biyayang ipinagkaloob sa kaniya at sa kanilang buong pamilya.

“Thank you Lord for this another blessing po!” pasasalamat nito.

Sa tagumpay na nakamit ni Ryzza ay marami naman sa mga celebrities ang nagpaabot ng kanilang suporta at paghanga para sa child star.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

“Congrats bibi ghorl!!!!!” pagbati ni Pauleen Luna-Sotto.

“Congratulations bebe gurl❤️” komento ni Ashely Ortega


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

“Congrats baby girl ko” sabi naman ni Lovely Abella-Manalo.

“Ikaw na talaga Bibigurrrr” paghangang komento ni Allan K.