Masayang staycation nina Coleen Garcia at anak na si Amari, ipinasilip sa kanilang latest adorable photos na magkasama

Kung sa bawat pagsikat ng haring araw sa kaulapan, ay hatid ang naghihintay na pag-asa at ganda ng umaga, tila ba ang napaka cute naman na si Amari Crawford ay hatid rin ang nag-uumapaw na sigla at good vibes bilang isang cutest sunshine boy ng kanyang Mommy Coleen Garcia.


Credit: @coleen on Instagram

Ang proud mommy na si Coleen na isang mahusay na aktres at ulirang ina’t asawa kay Billy Crawford, ay nagbahagi muli ng kaibig-ibig na mga litrato ng kanyang anak sa social media account nito.

Sa kanilang masayang pagbabakasyon sa Casa Flora Resort sa Cabiao, Nueva Ecija ay makikita na hindi lamang mga luntiang halaman at magandang scenery ang hatid ng kanilang mga litrato, kundi agaw pansin rin ang labis na kakyutan ni Amari kasama ang kanyang Mommy Coleen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Tila ba wala na nga mas igaganda pa sa umaga kung ang iyong unang masisilayan ay ganitong ubod na kakyutan. Kaya naman ang mga netizens ay hindi na nagpahuli, at tulad ng pagsikat ng araw tuwing umaga ay siya namang kasing bilis rin ng kanilang pagbibigay ng mga komento para kina Coleen at Amari.

“Both of you are so cute😍❤️❤️❤️❤️”


Credit: @coleen on Instagram

“Still pretty kahit messy hair ang drama sana all😂🥰❤️.”

“sobrang cute naman ❤️💗baby amari 😻 Crawford fam.”




Credit: @coleen on Instagram

Sa bilis na paglipas ng panahon tila ganoon rin nga ang bilis ng paglaki ni Baby Amari, na sa bawat paglalakad at pagsasalita nito ay siya ring pag gabay ni Coleen sa anak.

Tunay ngang sa bawat milestones na ginagawa ng mga anak, ay talaga namang kaakibat rin nito ang pagsubaybay, pag gabay, at pagsuporta ng bawat mga magulang.


Credit: @coleen on Instagram

Aniya, “Our little boy’s been trying to walk and talk so much already. He’s growing up so fast, but it’s so fun to watch and be here for all of it.”