Iya Villania at Drew Arellano, ipinasilip ang lugar na kanilang pagtatayuan ng kanilang napakagandang bahay

Marahil isa na sa bawat pinapangarap ng magsisimula pa lamang bumuo ng pamilya o kahit ikinasal na ay ang makapagpundar ng sarili nilang tahanan.


Credit: @iyavillania on Instagram

Bagama’t hindi man lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapagpundar kaagad ng tirahan dahil sa mga inuunang responsibilidad, ay marami pa rin ang talagang nagsusumikap sa buhay upang makamit din ito balang araw.

Tunay nga na ang pag-abot sa pangarap na minimithi ay hindi lamang nasusukat sa kung paano kumita ng pera, bagkus ay kinakailangan ito ng tamang diskarte at dedikasyon.


Credit: @iyavillania on Instagram

Kagaya na lamang ang mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano, na sa kabila man ng kanilang pagkakaroon ng isang maganda at masayang pamilya ngayon, ay kasabay na rin nito ang unti-unti nilang pagtupad sa kanilang mga pangarap para sa kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)


Sa katunayan nga nito ay ipinasilip na ng celebrity couple sa kanilang magkahiwalay na Instagram account, ang simulang pagpapatayo sa kanilang future home.

Ang “Chika Minute” at “Mars Pa More” host na si Iya, ay masayang ibinahagi sa kanyang social media account ang mga litrato na kuha mismo sa naganap na groundbreaking ceremony sa mismong site na pagtatayuan ng kanilang bahay.




Credit: @iyavillania on Instagram

Sa litrato ay makikitang dapit hapon nga naganap ang naturang ceremony, na siyang makikitang nakasama rin sa espesyal na araw na ito ang 3 mga anak nina Iya at Drew na sina Primo, Leon, at Alana.

Habang suot-suot ang kanilang mga safety hats ay makikita rin ang bunsong anak ng mag-asawa na si Alana, na tila busy sa kanyang ginagawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)


Ayon sa Mars Pa More host, “We tried to get Alana to look but our little construction worker was too busy”
Sa espesyal na araw na ito sa buhay nila Iya at Drew, ay marami naman sa kanilang mga kaibigan sa showbiz ang nagbigay rin ng pagbati para sa kanila.


Credit: @iyavillania on Instagram

Komento ni Anne Curtis, “Congratulations lovey!!!!! ❤️❤️❤️❤️”

“Wohoooo🙌” komento rin ni Heart Evangelista.


Credit: @iyavillania on Instagram

Dagdag pa ni Camille Prats, “Woohooooo this is it mars!!! ❤️❤️❤️”

“Wow! Congratulations!!!” saad naman ni Dimples Romana.