Ivana Alawi, ibinahagi ang kanilang masayang bakasyon sa Baguio City kasama ang kanyang buong pamilya

Kinilala ang aktres at sikat na YouTube vlogger na si Ivana Alawi hindi lamang sa isa sa mga magagandang binibini sa mundo ng showbiz, at pagkakaroon ng ginintuang puso pagdating sa pagbibigay ng tulong sa nakararami, kung hindi siya rin ay isang mapagmahal na anak at kapatid sa kanyang pamilya.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng iba kung gaano kamahal ni Ivana ang kanyang pamilya, na siya rin namang madalas masilayan ng madla sa bawat videos na ibinabahagi ng aktres sa kanyang YT channel at sa social media.

Kaya naman sa tuwing siya ay may libreng oras at day-off nila ng kaniyang pamilya, ay sinisigurado ni Ivana na ito ay magiging espesyal at kapana-panabik hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa kanilang buong pamilya.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Sa katunayan, ay isang napakasaya at memorable trip ang ibinahagi ng aktres sa kanyang manonood, na kung saan ang Alawi Family ay masayang nagbakasyon sa tinaguriang City of Pines ang Baguio City.

Ayon kay Ivana, “Isa sa mga favorite places ko talaga ang Baguio City kasi lagi ako nandito noong bata ako, dito kami pumupunta lagi every summer or anytime na may mga day off kami.”




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Kung sa bawat video ng aktres ay madalas nating masilayan ang kanyang Mama Fatima Alawi at mga kapatid na sina Hash at Moana, ngayon ay hindi lamang isa kung hindi dalawa pa ang nadagdag sa kanilang masayang trip na ito.

At ito nga ay mas lalong naging espesyal dahil naging buo muli ang Alawi Family sa pagdating ng kanilang isa pang kapatid na si Amira at ang napakacute at gwapong anak nito na si Gabriel.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Tila ang kanilang masayang trip ay naging mas kapana-panabik lalo pa at binisita nila ang ilan sa mga famous tourist spot na matatagpuan sa Baguio ang Burnham Park.

Makikitang maliban sa boating, ay sinubukan rin nila Ivana ang biking, ang pakikipag-bonding at pamamasyal roon ng magkakasama.

Samantala, kapansin-pansin rin sa video na ito ni Ivana ang pagiging sweet at malambing ng kanyang cute na cute na pamangkin na si Gabriel na ang mismong tawag pa sa kanya ay “Mamita”.




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Sa kanilang masayang kulitan at kwentuhan, hindi maikakailang labis na nag-enjoy ang Alawi Family sa kanilang masayang Baguio getaway.