Ethel Booba, namahagi ng biyaya sa mga kababayan bilang pasasalamat sa natamong tagumpay

Kung noon ay hindi pa kilala at laganap ang pagkakaroon ng mga sikat na vloggers at content creators, ngayon ay talaga namang kahit sino ay maaari na ring maging sikat at makilala ng publiko hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na rin.


Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Iba’t-iba ngang pamamaraan na at konsepto ang ginagawa ng nakararami sa kanilang mga sariling YouTube channel.

Tulad na lamang ang pagbabahagi ng mga videos tungkol sa kanilang pamamasyal sa mga iba’t-ibang lugar, ang paggawa ng mga nakakatawa na pranks at challenges sa pamilya at mga kaibigan, at mayroon din naman na iilan ay nagpapasilip ng kanilang magagarang bahay, sasakyan at mga kagamitan.


Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Kaya naman hindi kataka-taka na pati ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz ay talagang hindi na nagpahuli at pinasok na rin ang vlogging.

Tulad na lamang ang komedyante at singer na si Ethel Booba, na sa kabila ng kanyang kasipagan sa pagba-vlog ay nakamit na nito ang pagkakaroon ng 1 million subscribers sa kanyang YT channel ngayon.




Credit: Ethel Booba Youtube Channel

At bilang bahagi nga ng selebrasyon sa tagumpay niyang ito ay naisip ni Ethel na mamahagi ng biyaya sa ating mga kababayang Aeta sa probinsya ng Bataan.

Bagama’t biglaan man ay siniguro naman ng singer na maihahatid niya pa rin ang kanyang tul0ng at labis na mapasaya ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya.


Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Sa kanyang latest vlog, ay ibinahagi ng singer ang kanilang ginawang pagpa-pack ng mga de lata, bigas, at iba pang pagkain, na kanilang ibibigay para sa mga napiling Aeta community.

Aniya, “Sobrang busy talaga namin this past few months, nakalimutan na namin mag-celebrate ng 1 million subscribers. Kasi yung venue namin, meron mga naka-ready pero na-fully book talaga siya ng bonggang-bongga.”

At pagdating nga sa mismong venue ay ganoon na lamang ang tuwa na kanyang naramdaman matapos maramdaman nito ang suporta at pagmamahal ng mga taga Aeta sa kanilang pamamahagi ng mga pagkain.

Bukod sa naihatid nilang tul0ng ay hinandugan pa ng isang awitin ng singer ang mga kababayan nating Aeta at naghanda rin ng mga palaro para sa mga katutubo.’




Credit: Ethel Booba Youtube Channel

Kaya sa kabila man ng pagiging busy ni Ethel ay hindi pa rin nito nakakalimutan na ibalik at ipamahagi ang biyayang kanyang natanggap sa ibang tao.

Dagdag pa niya, “Tulad nga ng sinasabi ng iba, maliit man na tul0ng is tul0ng pa ‘din.”