Bea Alonzo, pinabilib ang mga Netizens sa kanyang gawang DIY romantic elegant-themed na Christmas tree

Pagsapit pa lamang ng buwan ng Setyembre ay talaga namang mararamdaman na ang Kapaskuhan sa bansa. At marami na nga sa mga tahanan, pati na rin sa mga establisyemento ang nagsisimula na ring mag-ayos at mag-isip, ng kanilang mga ilalagay na dekorasyon bilang paghahanda sa araw ng Pasko.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Kung ang ilan sa atin ay namimili na ng mga regalong pamasko para sa mga kaibigan at kapamilya, hindi naman rin magpapahuli diyan ang ilan sa mga sikat na personalidad sa showbiz tulad na lamang ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Maging ang aktres na si Bea ay naghanda na rin ng makukulay na dekorasyon sa loob ng kanyang tahanan bilang paghahanda sa kapaskuhan.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Sa katunayan nga nito ay ipinasilip na ng aktres sa kanyang mga manonood ang kanyang ginawang paghahanda, at ipinakita rin ang ilan sa kanyang makukulay na dekorasyon na makikita mismo sa kaniyang living room.

Tila pinabilib na naman muli ni Bea ang kanyang mga fans, dahil hindi lamang niya ipinakita ang paggawa ng mga DIY Christmas decors, kundi ipinasilip rin niya ang kanyang Christmas tree na hindi lamang isa kundi tatlo ang makikita sa loob ng kanyang tahanan.




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Full of love and romance ang tila nagsilbing theme ng Christmas decorations ngayon ni Bea, na hindi maitatangging tulad ng kanyang love life ay umaapaw rin sa pagmamahal ang kanyang puso ngayon.

Aniya, “If I can sum up my year I would say it’s full of love and romance.”


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Kaya naman sa tulong ng kanyang kaibigan at ang kilalang renowned floral at event designer na si Gideon Hermosa, ay naisakatuparan ang kanyang planong disenyo.

Isang rustic at earthy tones ang nagsilbing disenyo ng Christmas tree ni Bea, na may kasama pang lavender, purple, blue, pink, at orange ornaments na nagpadagdag kulay sa disenyo nito.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Gumamit rin ang aktres ng mga dried flowers at bukod pa diyan ay makikita rin ang isang candle holder na siyang ginawa naman ng aktres bilang centerpieces sa kanyang center table.

Pagbabahagi ni Bea, “Transforming your home isn’t just limited to just aesthetics or looks, you can actually transform a space to make it more romantic through using good scents.”

Sa mala romantic elegant theme na disenyo ng Christmas tree ngayon ng aktres, ay marami naman sa kanyang mga netizens ang natuwa at napabilib sa napakagandang ideya at DIY decorations na ginawa ni Bea.

“Im so amazed! Honestly first time seeing dried oranges as christmas decorations! Thanks Queen B! Your vlogs are really informative and interesting! Keep safe always!😘💕 God bless u more!🙏🙏🙏”




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

“You’re so amazing and well put together. 🥰”

“Ang ganda ng Christmas decors mo lalo na ikaw din mismo nag-ayos.😍”