Manilyn Reynes, masayang ibinahagi ang kanyang makulay at napakagandang Christmas village decorations

Palapit na nga ng palapit ang araw ng kapaskuhan, kaya naman ang karamihan sa atin ay hindi na magkamayaw pa sa pag-iisip ng mga pagkain na ihahanda sa hapagkainan, at isama pa ang mga regalong ipapamahagi sa bawat pamilya at mga kaibigan.


Credit: @manilynreynes27 on Instagram

At dahil nalalapit na ang pagsapit ng pasko ay iba’t-ibang pamamaraan rin ang ginagawa ng ilan upang ipagdiwang ang espesyal na okasyong ito.

Kung ang ilan ay hindi magkamayaw sa pagpapatugtog ng mga Christmas song sa kanilang mga kabahayan, ay ibahin naman natin ang ilan sa mga sikat na personalidad sa showbiz na ang paraan ng kanilang paghahanda ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga dekorasyon sa loob ng tahanan.


Credit: @manilynreynes27 on Instagram

Isa na nga sa mga ito ay ang Kapuso actress at celebrity mom na si Manilyn Reynes, na kung saan ay hindi lamang trabaho ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon, kung hindi ang paglalagay na rin ng makukulay at naggagandahang Christmas decoration.

Dahil hindi lamang ang nakagawiang Christmas Tree ang siyang makikita sa kaniyang tahanan, kung hindi ay isa ring napakagandang Christmas Village decoration.


Credit: @manilynreynes27 on Instagram

Ang tinaguriang Star of the New Decade noong β€˜90s, ay masayang ibinida nga sa kanyang Instagram account ang kanyang litrato, na kung saan ay makikita ang makukulay na Christmas village sa kanyang harapan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27)


Kapansin-pansin rin naman na sa kanyang likurang bahagi ay naroon din nakapwesto ang kanilang Christmas tree at mga naglalakihang Christmas gifts sa may ibabang bahagi nito.

Kaya naman tulad ng komento ng ilang mga netizens sa kanyang post ay paskong-pasko na nga sa bahay ng Pepito Manaloto star na si Manilyn.




Credit: @manilynreynes27 on Instagram

Ayon sa kanilang mga sunod-sunod na komento, β€œwowwww Christmas na Christmas na 😍😍😍 πŸŽ„πŸŽπŸŽ…πŸ€ΆπŸ¦Œβ˜ƒοΈβ›„πŸŒŸβ­β€

Wow nice kaayo… Blessed Christmas Mane and Aljon. β€οΈπŸŽ„πŸŽ…β€


Credit: @manilynreynes27 on Instagram

β€œWow ang ganda ng christmas village ❀️❀️❀️ ganda din ng t-shirt at syempre maganda ang idol ko @manilynreynes27 😘😘😘😍😍😍 advance merry Xmas πŸŽ„πŸŽ„πŸŽ„β€

β€œAng ganda poπŸ₯°πŸ˜ Advance Merry Christmas po mamay at sa buong FamilyπŸ’š”