Matteo Guidicelli, ipinasilip ang kanyang nakakamangha na daily routine matapos ang isang mabigat na workout

Kung ang pag-uusapan lang rin naman ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan, tiyak na hindi magpapahuli at hindi mawawala sa listahan ang Kapamilya actor at asawa ng Pinoy pop princess na si Sarah Geronimo, na walang iba kundi si Matteo Guidicelli.


Credit: @matteog on Instagram

Kinilala si Matteo hindi lamang sa kanyang husay pagdating sa pag-arte at pagkakaroon ng talento sa musika sa larangan ng pagkanta, kundi siya rin ay iniidolo ng karamihan pagdating naman sa pagkakaroon ng magandang pangangatawan.

Sa kanyang pagiging physically fit na madalas makita ng publiko, mula sa mga larawan o maikling videos ng kanyang workout na ibinabahagi ng aktor sa kanyang social media accounts, ay talaga namang hindi maikakaila na hindi lamang taglay ni Matteo ang gwapong mukha kundi pati na rin ang magandang katawan.


Credit: @matteog on Instagram

At para mapanatili ang magandang katawan, isa nga marahil sa sikreto ni Matteo ay ang pagkain ng masusustansyang pagkain at araw-araw na pag-eehersisyo, kasabay rin nito ang isang kamangha-manghang routine na kanyang ginagawa.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


Tila kakaiba nga ang ibinahaging larawan at videos ng aktor sa kanyang Instagram, na kung saan ang kanyang nakakabilib na routine ay ang paglubog lang naman sa isang drum na puno ng yelo.

Ito nga ay ginagawa at sinisimulan umano ng aktor mula sa isang minuto hanggang sa siya raw ay makatagal sa paglubog dito, na sinasabayan niya rin ng proper breathing at relaxation techniques na siyang nakakatulong sa pag rec0ver ng kanyang katawan matapos ang isang int3nse workout.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


Aniya, “I started with 1 minute, I’ve worked my way up to 10 minutes in here, With proper breathing and relaxation techniques. At first it hrt physically and mentally but that’s the whole point of it, to embrace the pa!n. I try to do the ice bath everyday after our intense workout sessions to recovery my body for the next days session. #stayhard”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


Kamangha-mangha nga naman talaga ang ganitong klaseng workout ni Matteo, dahil aminado naman ang karamihan na hindi lahat ay kayang gawin ito lalo na at kung ilulubog ang iyong buong katawan sa drum ng tubig na puno ng yelo.

“Wowww amazing tips , keep it up MATTEO😍”


Credit: @matteog on Instagram

“Nice one Bro! 👍”

“May nanalo na sa challenge 🔥👏 take care parin 🙏”