Buboy Villar, hindi napigilang maging emosyonal at mapaluha sa pag-alis ng kanyang panganay na si Vlanz patungong America

“Mixed emotions” Ganiyan nga mailalarawan ang nadarama ngayon ng Kapuso actor na si Buboy Villar sa mga huling sandali na kaniyang nakasama ang panganay na anak na si Vlanz na siyang nakatakda ang pag-alis patungong Amerika.


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Ayon kay Buboy, “Kung itatanong niyo ano nararamdaman ko [ngayon], mixed emotions. Siyempre, kailangan natin tignan yung future nila, kailangan natin isipin magiging future nila.”

Bilang isang ama ay hindi madali para kay Buboy na mawalay sa kanyang anak, kaya sa kabila ng kalungkutan na nadarama ay kinailangan niyang isantabi ito at isipin ang magiging future ng kanyang panganay.


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ng aktor na nakatakda nga ang pag-alis ni Vlanz patungong Amerika, upang maisaayos ang dual citizenship nito roon kasama ang ina nito na si Angillyn Gorens.

Aniya, “Hindi ko alam kung kailan ulit siya babalik kailan siya uuwi galing America papunta dito, kasi kailangan ayusin yung citizenship niya ‘dun para maging dual din siya.”


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Kaya naman bago pa man ang pag-alis ng kanyang anak, ay makikita na sinusulit na ni Buboy ang mga oras at panahon na kasama niya ito.

Pagbabahagi niya, “Nakakalungkot lang na hindi ko na siya makikita, pero okay lang I’m sure na mabilis lang naman ‘yun. At syempre thank God kasi meron na tayong mga social media ngayon, na pwede na tayong tumawag.”




Credit: Buboy Villar Youtube Channel

“Sinusulit ko na yung moment na nagkukulitan kami, dahil mukang matagal kaming hindi magkikita,” dagdag pa niya.

At ng dumating na ang hudyat para sa pag-alis ni Vlanz ay kasama ang aktor sa paghatid sa kanyang anak sa airport, at dito na nga makikita ang pagbuhos ng luha at tinatagong emosyon ni Buboy sa pag-alis ng kanyang panganay.

“Napapaiyak na ‘ko habang dahan-dahan siyang lumalayo at pumapasok sa airport,” emosyonal na pahayag nito.


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Pansamantala mang magkakalayo ang mag-ama, ay hindi naman pinalagpas ni Buboy na maipahayag ang kanyang pagmamahal rito sa pamamagitan ng maikling mensahe na kanyang ipinahatid para sa anak.

Mensahe niya, “Papa will miss you anak, always remember to pray. Mahal na mahal ka ni Papa.”


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Samantala, pinasalamatan naman ni Buboy ang mga magulang ng kanyang dating partner, na siyang umasikaso para sa pag-alis ng kanyang anak na si Vlanz.

“Big credits sa family ni Angillyn dahil sa pagmamahal nila sa mga apo nila at maging maganda ang future nila.” buong pusong pasasalamat ni Buboy.