Kylie Padilla, nag-iwan ng mensahe sa kanyang mga tagahanga na nag-aalala sa kanyang kalagayan

Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas simula ng maging usap-usapan sa social media ang dating mag-asawa na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Ito nga ay nagsimula ng maagaw ang atensyon ng mga netizens mula sa kanilang mga cryptic posts na nagpapahiwatig na sila ay hiwalay na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)


Agad naman itong nakompirma sa pamamagitan ng ama ng aktres na si Robin Padilla, matapos nitong ibahagi na hiwalay na nga ang kanyang anak at si Aljur na kanyang isiwalat sa naging panayam nito kay Ogie Diaz.

Patunay rin ang kanilang hiwalayan matapos ibahagi ng aktres ang kaniyang naging planong paglilipat ng bahay kasama ang kanilang dalawang anak na sina Alas at Axl.




Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Dahil dito ay umani ng samu’t saring espekulasyon ang dating mag-asawa, at ang karamihan sa mga opinyon ng iba ay third party di umano ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Matapos ang mga isyung ito kaugnay sa kanilang dalawa, nadawit rin ang pangalan ng leading lady ni Aljur sa pelikulang “Nerisa” na si Cindy Miranda, na siyang agad namang itinanggi nito na walang namamagitan sa kanila ng aktor.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Ngunit makalipas ng ilang linggo ay tila isang balita muli ang bumungad sa publiko, matapos kumalat sa social media ang isang video clip na kung saan ay makikitang magkasama ang aktres na si AJ Raval at Aljur.

At dahil marami na ngang espekulasyon ang nagsiliparan, agad namang nilinaw ni AJ na totoo ngang may namamagitan sa kanilang dalawa ng aktor, dahil kasalukuyan nga umano itong nanliligaw sa kanya.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Matapos ang nakakawindang na balitang ito, ay marami naman sa mga supporters ni Kylie ang siyang nag-alala at nagbigay ng kanilang mga mensahe upang kamustahin ang kasalukuyang kalagayan ng aktres.

Kaya naman upang linawin at bigyan ng kasagutan ang bawat katanungan at pag-aalala ng kanyang mga taga hanga, ay nagbahagi ng litrato si Kylie sa kanyang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)


Sa litrato ay makikitang kasama ng aktres ang kanyang dalawang anak, at kalakip ng kanilang litrato ay ang caption na inilagay nito na, “I have all I could ever want already. Para sa lahat ng nag aalala sakin. I’m really ok Masaya ako and I will pr0tect my happiness. No matter what.”

Dahil dito ay marami sa kanyang mga fans ang patuloy pa rin ang pagbibigay ng kanilang mga nakaka antig na mensahe at suporta para kay Kylie.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)


“Really praying for your happiness and peace of mind. And also success sa career mo at good life sa mga kids mo.😍❤️”

“Keep that happiness within you Ms.Kylie! ❤️”