Yamyam Gucong, inalok na ng kasal ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Elaine

Hindi na bago sa buhay ng bawat isa ang pagkakaroon ng mga pagsubok at suliranin na ating pagdaraanan habang tayo ay tumatanda. Tunay ngang sa kabila ng mga ito, ang pagiging positibo sa buhay, ang pagkakaroon ng pangarap at pananampalataya ang siyang magdadala sayo sa buhay na iyong pinapangarap.


Credit: @gucongyamyam on Instagram

Isa na marahil sa mga taong naging positibo sa buhay sa kabila ng kanyang pinagdaanan, ay ang ‘Pinoy Big Brother: Otso’ Big Winner na si Yamyam Gucong.

Kaya naman ang kanyang buhay ngayon ay maituturing na isang napakalaking blessing, dahil sa dami ng mga dumadating na oportunidad sa kanyang buhay ay matapang at masigasig niya itong tinatanggap.




Credit: @gucongyamyam on Instagram

Kung sa kanyang pagiging totoo ay marami ang napabilib at napahanga, hindi kataka-taka na napa-ibig naman niya ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Elaine dahil sa kanyang pagkakaroon ng busilak na puso at kalooban.

Sa tagal ng kanilang relasyon, ay tila isang bagay na lamang ang siyang pinakahihintay ng lahat, kundi ang katanungan kung kalian nga ba sila magpapakasal.


Credit: @gucongyamyam on Instagram

Kaya naman ang katanungang ito ay nasagot noong October 20, dahil sa litratong ibinahagi ni Yamyam sa kanyang Instagram account ay makikitang nakaluhod ito sa harapan ng kanyang girlfriend, habang hawak-hawak naman niya ang isang box na may laman na engagement ring.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


Makikitang inalok na nga ni Yamyam ng kasal ang kanyang kasintahan na siyang makikita pa lamang sa kanyang caption na, “Alam kung immune kana sa mga surprises ko sayo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng “papayag kaba na maging asawa ko?””


Credit: @gucongyamyam on Instagram

Sa kabila ng posibleng hirap o sakripisyo nang pag-aasawa ay marami pa rin ang naniniwalang “worth it” lahat ng ito basata kasama mo ang taong iyong pinakamamahal sa araw-araw.

Sa proposal na ito ni Yamyam, ay tila sumagot na nga ng “Oo” si Elaine, na siyang bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kaibigan at ka-trabaho ni Yamyam sa showbiz.




Credit: @gucongyamyam on Instagram

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang pagbati ay sina Andre Brouillette, Kiara Takahashi, Lou Yanong, Fumiya, Melai Cantiveros – Francisco, Ritz Alzul, Franki Russell, Argel Saycon, at marami pang iba.