Super Tekla at Donita Nose, di inasahan ang masayang pagkikita nila sa Siargao nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

Hindi maitago ng DonEkla in Tandem ang kanilang kagalakan at labis na kasiyahan, matapos makasama at makausap sa unang pagkakataon ang aktres na si Andi Eigenmann at ang surfer nitong fiancé na si Philmar Alipayo sa kanilang masayang pagbabakasyon sa Siargao.


Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Sa panibagong vlog na ibinahagi ng DonEkla, ay kanilang ibinahagi na maliban sa kanilang unang beses na makasama sina Andi at Philmar, ay sinabi rin ng aktres na ito rin ang kanilang first time na makipag collab sa kapwa nila YouTuber.


Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Sa pagbisita ng DonEkla in Tandem sa Siargao, ay malaki ang naging pasasalamat nina Donita Nose at Tekla ng paunlakan ng magkasintahan ang kanilang inbitasyon, na makipag-collab at maturuan sila ng pagsu-surfing.

“Thank you talaga super kasi sobrang – pumayag ka na turuan kami. Actually, hindi na siya nagtuturo diba, tapos bigla siyang pumayag samin ni Super Tekla kaya [ang] happy,” ani ni Donita.




Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Kahit tumigil na sa pagtuturo ng surfing si Philmar ay pumayag pa rin siya na sila ay kanyang maturuan, na ayon kay Andi ay hindi niya umano inaasahan ang pagpayag ng kanyang partner dahil sa pagkakaroon nga nila ng tatlong mga anak ngayon.

Aniya, “I’m so shocked na um-oo siya, kasi hindi na siya nagtuturo [ng surfing] since we have three kids.”


Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Pagdating naman kay Philmar, ay mapapansing puring-puri ni Donita ang kasintahan ni Andi, na siyang ayon sa kanya ay likas talaga ang angking kagwapuhan at pagkakaroon ng malakas na dating ni Philmar sa personal.

Tuwang-tuwa rin umano sina Donita at Tekla kay Andi, na sa kabila ng pagiging isang kilalang artista nito ay napabilib sila sa aktres dahil sa mas pinili niya ang tahimik at simpleng pamumuhay sa Siargao. Bukod pa diyan, ay hinangaan rin nila ang galing ng aktres pagdating naman sa pakikipag-usap gamit ang kanilang salita sa naturang lugar.


Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

At bago sumabak ang DonEkla sa kanilang pagsu-surfing ay nagkaroon naman ng maikling kwentuhan sina Philmar at Donita, na siyang pag-aamin pa ng surfer ay para pa rin daw siyang nananaginip, dahil hindi niya umano lubos maisip na siya ay pipiliin ni Andi bilang kasintahan nito.

Aniya, “’Di ko nga akalain na, pipiliin niya talaga ako. Gusto niya rin ngayon nandito na, mag bahay na, [at] pamilya.”




Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Dagdag pa ni Philmar, “hanggang ngayon nga parang nanaginip pa din ako.”

Sa masayang kwentuhan at surf experience ng DonEkla ay kanilang pinasalamatan sina Philmar at Andi para sa isang hindi malilimutang collaboration na kanilang pinagsamahan.