Carla Abellana, ibinahagi ang masaya at hindi malilimutang bachelorette party kasama ang kanyang mga kaibigan

Bago pa man maganap ang pinakahinihintay ng lahat, ang kasalan ng celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ay atin munang silipin ang masayang Bachelorette Party ng aktres.


Credit: @reagreyes on Instagram

Ilang araw o linggo bago ang kanyang pagpapakasal, ay isang hindi malilimutang bachelorette party ang inihanda ng mga matatalik na kaibigan ni Carla, bago pa niya iwan at talikuran ang buhay ng pagiging isang dalaga.

Mula sa mga larawang ibinahagi ng ina ni Carla na si Mommy Rea Reyes, ay makikita ang soon-to-be bride na si Carla na malalaki ang ngiti habang hawak-hawak nito ang isang cake magmula sa kanyang party.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rea Grytz Reyes (@reagreyes)


Maliban pa diyan ay makikita rin ang kanyang naging kasuotan, magmula sa kanyang suot na puting dress na sinamahan pa ng white sash at white na vail na may nakalagay pa sa kanyang likuran na “Bride to Be”.

Sa mga larawang ito ng aktres ay makikitang tila nag-enjoy ito sa inihandang party para sa kanya, kasama ang ilan sa kanyang matatalik na kaibigan.


Credit: @reagreyes on Instagram

Samantala, bago maganap ang party na ito ay hindi rin inakala ni Carla na siya ay magkakaroon ng unang bachelorette party, na inihanda mismo ng “To Have And To Hold” co-stars at director.

Tila ito na nga ang isa sa maituturing ng aktres na “wholesome” party na siyang inihanda para sa kanya, dahil maliban sa kanyang naughty at kakaibang cake ay nakasama rin niya sina Max Collins, Rocco Nacino, Valeen Montenegro, Ina Feleo, Luis Hontiveros, at ang kanilang direktor na si Don Michael Perez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Aniya, “I have the funniest and sweetest co-stars and Director. THANK YOU, @valeentawak , @maxcollinsofficial , @ina_feleo , @nacinorocco , @luishontiveros7 and Direk DMP.”

Samantala, ay pinasalamatan naman din ng aktres ang Italian husband ni Ina Feleo na si Giacomo “James” Gervasutti, na syang nag-prepare ng kanilang Italian food para sa kanyang bridal shower.




Credit: @reagreyes on Instagram

Dagdag pa ng aktres, “Thank you also to @jamesgerva for the most authentic and delicious Italian feast i’ve ever had in Manila (@pasticci.ph ), @rielmanuel for recording the moment and @gohingmelissa for the pleasant company.”

Nakatakda ikasal sina Carla at Tom sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands sa ika-23 ng Oktubre ngayong taon.