Eldest Son ng dating PBA player na si Alvin Patrimonio at Cindy Conwi na si Angelo, ikinasal na sa kanyang model fiancé na si Jasmine Maierhofer

Isa sa matagal ng pinapangarap ng maraming kababaihan ay ang maikasal sa taong kanilang pinakamamahal na kanilang makakasama habang buhay.

Credit: @niceprintphoto instagram

Kung ang ilan ay nais ang simpleng seremonya at pagdiriwang ng kanilang pag-iisang dibdib, mayroon namang ilan ay nais ang magarbo at engrandeng kasalan kasama ang taong kanilang pinakamamahal.

Credit: @niceprintphoto instagram

Isa na nga rito ay ang anak ng retired professional basketball player na si Alvin Patrimonio sa kanyang asawa na si Cindy Conwi na si Angelo Patrimonio, na ikinasal na sa kanyang model fiancée na si Jasmine Maierhofer.

Credit: @niceprintphoto instagram




Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib nito lamang ika-13 ng Oktubre sa Club Ananda at Sandari Batulao sa Nasugbu, Batangas. Nakatakda dapat ang kanilang kasal ngayong Setyembre, ngunit dahil sa [email protected] nararanasan sa bansa ay kinailangan nilang ire-sched ang espesyal na araw na ito ng kanilang buhay.

Credit: @niceprintphoto instagram

Naurong man ng isang buwan ang kanilang pagpapakasal, tila worth it naman ang paghihintay dahil ang bagong kasal na sina Angelo at Jasmine, ay nairaos pa rin ang kanilang napakagandang intimate Christian wedding kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Credit: @niceprintphoto instagram

Sa mga litratong ibinahagi ng Niceprint Photography, ay makikita ang masayang family picture nina Angelo kasama ang kanyang mga magulang na sina Alvin at Cindy, kasama pa ang ilan sa kanyang mga kapatid.

Credit: @niceprintphoto instagram

Sa napakagandang kasalang ito nina Angelo at Jasmine, ay pinasalamatan naman nila ang mga taong nakapunta sa kanilang pag-iisang dibdib.

Credit: @niceprintphoto instagram

Ani ni Jasmine sa kanyang post, “Thank you Lord for gifting us a good weather and perfect wedding. It was so magical. Thank you team and loved ones for making it extra special.”

Credit: @niceprintphoto instagram

Naganap ang proposal ni Angelo kay Jasmine noong Oktubre taong 2018, ng siya ay sopresahin ng kasintahan sa isang runway para sa 15th-anniversary event ng isang wedding magazine sa Manila Hotel.


Credit: @niceprintphoto instagram

Nagsimula ang kanilang pag-iibigan noong September 3. 2011.


Credit: @niceprintphoto instagram