Bagong collection ng Tili Dahli clothing brand na “Amihan Collection” inilunsad ng celebrity mommies na sina Anne Curtis at Solenn Heussaff

“Goals” ganiyan nga maituturing ang pagiging mommy at mag best friend ng mag sister-in-law na sina Anne Curtis at Solenn Heussaff.

Maliban sa kanilang pagiging mahusay na artista sa industriya ng showbiz, ay kahanga-hanga rin ang kanilang husay at pagiging hands-on mom pagdating sa kanilang mga anak.

At dahil sina Anne at Solenn ay mahilig makipag bonding sa kanilang mga chikiting, ay kamakailan nga ay ni-launch nilang dalawa ang kauna-unahan nilang baby clothing brand na inspired mismo sa kanilang mga cute babies.

Sa kanilang magkahiwalay na Instagram account ay kanilang inanunsyo ang kanilang newest clothing brand na “Tili Dahli”, na siyang pinagsamang pangalan ng magpinsang sina Tylane Katana, na anak ni Solenn sa kanyang asawa na si Nico Bolzico o mas kilala sa kanyang palayaw na ‘Tili’, at Dahli naman mula sa pangalan ni Dahlia Amelie na anak ni Anne sa kanyang asawa na si Erwan Heussaff.

Matatandaang noong June pa lamang ay inilunsad na nina Anne at Solenn ang kanilang binuong clothing brand, na kung saan ang kanilang mga anak ang nagsilbing mga modelo nito.

At ngayon ang Tili Dahli ay may bago na ngang collection at ito nga ay ang “Amihan Collection”, na siyang parehas na inilunsad nina Anne at Solenn sa kanilang magkahiwalay na Instagram account.

“Our Amihan collection is inspired by the very essence of nature that we aspire: gentle and free-spirited. It is the sense of exploration and freedom celebrating the hopeful return to adventure, warmth, and nature.” Ayon kay Solenn.

Sa litratong ibinahagi ni Anne, ay makikita ang kanilang suot-suot ni Dahlia na bub & me, na kung saan ay isang white wind dress ang suot ng aktres na siyang perfect para sa mga br3astf33ding mommies tulad niya.

Ayon sa iniligay na caption ni Anne, “We love going twinsies with our little ones and now you can go matchies with your little boy and girl too (Dad’s, your shirts are coming real soon, promise). I’m wearing the wind dress which is perfect for breastfeeding mama’s”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Samantala, ay nagbahagi rin si Solenn kasama naman si Tili at makikitang suot nila parehas ang kanilang Amihan print beige na Gale dress.




Tila marami pa ngang ilalabas na collection ang Tili Dahli clothing brand na siyang isa sa mga tinututukan ngayon nina Anne at Solenn, para sa kanilang bagong business na ito kasama ang kanilang mga cute babies na sina Dahlia at Tili.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)