Kaye Abad, itinuring na “Precious gifts from HIM!” ang pagdating nina Joaquin at Baby Iñigo sa buhay nila ng kanyang asawang si Paul Jake Castillo

“Precious gifts from Him”, ito na nga ang buong kagalakang nasambit ng aktres na si Kaye Abad, matapos nito isilang ang pangalawang anak nila ng kanyang asawa na si Paul Jake Castillo.

Credit: @kaye_abad instagram

Matatandaan na nito lamang ika-13 ng Setyembre, ay masayang ibinalita ni Kaye sa publiko ang pagdating ng kanilang 2nd baby boy na isinilang niya noong September 2, 2021, na kanilang pinangalanan bilang si Baby Iñigo Leon.

Credit: @kaye_abad instagram

Tulad ng ibang mga magulang, ganoon na lamang ang saya at ligayang naramdaman nina Kaye at Paul Jake, na ngayon ay may katuwang at kalaro na ang kanilang panganay na anak na si Joaquin.
Tunay ngang ang pagiging isang magulang ay hindi madali, dahil kaakibat nito ang [email protected] at paglalaan ng oras at atensyon hindi lamang sa kanilang sarili, kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya at mga anak.

Credit: @kaye_abad instagram

Kaya ngayon na dalawa na ang “botchokoys” nina Kaye at Paul Jake, ay malaki naman ang naging pasasalamat ng aktres sa Panginoon sa pagbibigay sa kanilang mag-asawa ng “precious gifts”, at ito nga ay ang pagdating ng kanilang mga anak na sina Joaquin at Baby Iñigo.

Credit: @kaye_abad instagram

Ngayon na isa ng ganap na Kuya si Joaquin, ay paniguradong magiging mabuti rin itong kapatid, tulad na lamang ang kanyang pagiging mabuting anak sa kanyang mga magulang.

Credit: @kaye_abad instagram

Samantala, isang litrato naman ang ibinahagi ni Kaye sa kanyang Instagram account, na kung saan ay makikita ang cute na litrato nina Joaquin at Baby Iñigo habang sila ay magkatabing nakahiga.




Sa larawan ay makikita ang mala gwapong ngiti ni Joaquin isama pa ang mga singkit na mata nito, na talaga namang hindi maitatangging namana sa kanyang Daddy Paul Jake. Maliban pa dyan ay makikita rin ang kanilang cute na matchy outfit, na siyang nagbigay aliw naman sa mga netizens.

Credit: @kaye_abad instagram

Karamihan sa mga ito ay nagbigay ng kanilang komento patungkol sa cute na litrato ng magkapatid, at ang ilan naman ay nagbigay rin ng pagbati para kay Kaye sa pagdating ng kanilang anak na si Baby Iñigo.

“Cute ng mga kids nyo ,Ms Kaye A.😘”

“Cutieee botchokoys 😍”

Credit: @kaye_abad instagram

“Congratulations and so cute both of them”

“Ka cute ba oi….. pareho mga gwapo na bata 💖💕❤️”

Credit: @kaye_abad instagram