Sarah Lahbati, ipinagdiwang ang kanyang napakagandang “magical” birthday sa Tanay, Rizal kasama ang kanyang pamilya

“magical”

Ganyan nga inilarawan ng aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati, ang kanyang naging pagdiriwang ng ika-28th birthday kasama ang kanyang asawa na isang aktor na si Richard Gutierrez, at kanilang dalawang gwapong anak na sina Zion at Kai sa campsite na matatagpuan sa Tanay, Rizal.

Credit: @sarahlahbati instagram

Ika-12 ng Oktubre ay nangyari nga ang kakaibang mahika sa campsite na kanilang pinuntahan, na kung saan ay makikita sa mga ibinahaging litrato ni Sarah sa kanyang Instagram account.

Aniya, “‘and into the forest I go, to lose my mind and find my soul.’ can’t even begin to find the words to describe how epic and magical last weekend was,”

Credit: @sarahlahbati instagram

“from bumpy and muddy roads to fresh air, mountains, and rivers. so so grateful for this experience at @bulod.campsite and @ellsworthcabin,” dagdag pa niya.

Credit: @sarahlahbati instagram




Magmula sa mga litratong kuha ng Niceprint Photography, ay dito masisilayan ang kakaiba at napakagandang campsite birthday ni Sarah, na kung saan ay makikitang napapalibutan ito ng mga makukulay na ilaw sa kanyang paligid, isama pa ang ilan sa mga nagagandahang dekorasyon at bulaklak na talagang nagpa depina sa natatanging ganda at set-up ng lugar.

Credit: @sarahlahbati instagram

Sa tulong ng mahusay na event designer na si Gideon Hermosa, ay naisakatuparan ang dating katahimikan ng gabi, na ngayon ay nagmistulang makulay at mahika sa ganda at kagandahan ng paligid.

Credit: @sarahlahbati instagram

Sa napakagandang selebrasyong ito ay pinasalamatan ng Filipina-Moroccan actress ang lahat ng nakaalala at bumati sa kanyang espesyal na kaarawan.

Credit: @sarahlahbati instagram

Mensahe niya, “to everyone who greeted me, thank you from the bottom of my heart,”
Pinasalamatan rin ni Sarah ang kanyang asawa na si Richard, na tinawag niya bilang “brains and heart” dahil sa napakagandang “idea into reality” na kaniyang hindi malilimutang trip kasama ang kanyang pamilya.

Credit: @sarahlahbati instagram

Aniya, “lastly, to the brains & heart of this trip, our dada, my love @richardgutz for turning this idea into reality. thank you for this unforgettable trip and for tir3lessly working on making sure this was going to be epic for all of us. I LOVE YOU!”

Credit: @sarahlahbati instagram

Tila maliban sa napakagandang set-up ay hindi rin magiging espesyal ang kaniyang kaarawan, kundi dahil sa tatlong kalalakihan na kanyang nakasama at nagbigay kulay sa kanyang buhay.