Anak ni Sheena Halili na si Baby Martina, cute na cute sa kanyang ika 10-month old celebration at photosh0ot

Sa bawat buwan na pagdiriwang ng monthly celebration ng mga cute na babies, isa ang aktres at celebrity mom na si Sheena Halili na nagiging punong-abala pagdating sa pag-iisip ng bongga, at magandang set-up na talagang makikitang pinaghahandaan nito ang buwanang kaarawan ng kanyang baby.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Matatandaang isinilang ni Sheena ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Atty. Jeron Manzanero na si Baby Martina, noong ika-12 ng Disyembre.

At sa pagdating nito sa kanilang buhay bilang mag-asawa, ay dito na rin mas naging bukas si Sheena sa pagbabahagi sa publiko ng bawat milestone sa buhay ni Baby Martina, kabilang na nga rito ay ang kanyang monthly celebration.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

Isa sa mga paraang naisip nina Sheena at Jeron upang mas maging extra-special ang buwanang kaarawan ng kanilang anak, ay ang mga cute at bonggang Disney inspired photoshoot nito, na labis na nagpamangha sa publiko dahil sa todo-effort na ibinibigay ng aktres pagdating pa lamang sa pagdidisenyo ng kanilang tahanan.

One month old pa lamang si Baby Martina ay hindi na maitatanggi ang natatanging ka-kyutan nito, isama pa ang kaniyang magagandang ngiti at bungisngis na tawa na talaga namang kahit na sino ay tiyak na siya ang panggigilan.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Kaya ngayon sa kanyang ika-10 na buwang selebrasyon, ay makikita muli ang napakagandang set-up design na ginawa mismo ni Sheena para sa kanyang anak.


At dahil nga ito sa gabay at tulong ng kanyang backdrop at professional designer na si Gideon Hermosa, na kanila pa ring naisakatuparan ang bonggang monthly celebration na inaasam at inaasahan.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Napuno ng kulay pula at pink ang kanyang napakagandang backdrop design, na siyang makikita sa likurang bahagi ng bawat cute na larawan ni Baby Martina.

Bukod pa diyan ay mas lalo pang nagbigay kulay sa kanyang mga litrato ay ang mga cute na smile nito, habang may hawak-hawak pa na biscuit sa kanyang kamay.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Tila sino ba naman ang hindi mapapangiti at matutuwa sa kanyang natatanging kakyutan, kung sa larawan pa lamang ay lumilitaw na agad ang kanyang napakagang smile.

Kaya hindi kataka-taka na pati ang kanilang mga tagahanga ay naghatid ng magagandang reaksyon sa taglay na kakyutan ni Baby Martina.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

“Cuteness overload😍😍”

“Grabeee k cutee❤️”




Credit: @mysheenahalili on Instagram

“Nakaka gigil ang cute cute mo Bebe😍😍”

“Kagandang bata❤️😍”