‘I’d marry you over and over again!’ Chesca Garcia at Doug Kramer, masayang nagdiwang ng kanilang 13th wedding anniversary

Ang kasal ay isang sagradong seremonya para sa dalawang taong nagmamahalan. Sa loob ng pagsasama bilang mag-asawa, maituturing na kayamanan ang kanilang wagas at nag-aalab na pagmamahalan sa isa’t-isa, kahit pa dumaan na sa dekada ang kanilang naging pagsasama.


Credit: @dougkramer on Instagram

Tulad na lamang ang celebrity couple na isa sa mga hinahangaan ngayon sa industriya ng showbiz, ay ang mag-asawang Doug Kramer at Cheska Garcia.

Sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, sino nga ba naman ang hindi kikiligin at mapapangiti sa kanilang napakagandang love story, isama pa ang kanilang pagiging sweet sa isa’t-isa lalo na sa tuwing sasapit ang kanilang wedding anniversary.


Credit: @dougkramer on Instagram

Kaya naman nito lamang Sabado, ika-9 ng Oktubre ay masayang ipinagdiwang nina Doug at Cheska ang kanilang ika-13 na anibersaryo bilang mag-asawa.

Matatandaang noong nakaarang taon ay isang bonggang singsing ang ibinigay ni Doug sa kanyang asawa, kaya ngayon ay singsing muli ang iniregalo nito kay Cheska na siyang makikita sa larawan na ibinahagi niya sa social media.




Credit: @dougkramer on Instagram

Sa kanyang Instagram post ay makikita ang sweet na litrato nila ni Cheska, na kung saan ay makikitang ipinakita ng aktres ang isa sa kanyang kamay na suot-suot ang bagong singsing na regalo mismo ng kanyang asawa.

Kalakip ng kanilang mga litrato na magkasama ay binigyan rin ni Doug ng nakakaantig na mensahe si Cheska.


Credit: @dougkramer on Instagram

Aniya, “I’d marry you over and over again! These 13 yrs of marriage since Oct 9, 2008, and 18 yrs overall since Oct. 9, 2003 have been an amazing journey!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Dagdag pa niya, “Every lows and every highs that we’ve experienced, I wouldn’t change anything at all. I’d do it all again because we’re together.

No magic formula, we’ve gone this far only because we choose to make it work, and we choose to love each other every single day! I love you more than you’ll ever know sweetheart. Happy Anniversary to us!”


Credit: @dougkramer on Instagram

Samantala, nagbahagi rin naman ng pagbati at nakakaantig na mensahe ang aktres sa wedding anniversary nila ng kanyang asawa.

Ayon naman sa kanyang ibinigay na mensahe, “Every year on every important occasion you always gift me with a beautiful piece of jewelry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chesca Garcia Kramer (@chekakramer)


You should know that the wonderful husband that you’re already a gift to me. You’re my precious gift from God. Nothing means more to me than having your heart fully.

Happy sweet 13 years together, My Love! I love doing married life with you! I love you with all my heart @dougkramer!”