Janella Salvador, inaming nawalan ng kumpiyansa sa sarili matapos madagdagan ng 40 pounds mula sa karaniwang ideal weight noon

Kalakip ng pagiging isang ina ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa kanilang pisikal na kaanyuan, lalong-lalo na sa hugis at korte ng pangangatawan.


Credit: @superjanella on Instagram

Marahil ang bagay na ito ay normal lamang para sa ilan, ngunit para sa aktres at first time mom na si Janella Salvador, tila ba ito ay nagsilbing pagsubok sa kanya noong mga panahong naisilang na niya ang napaka-cute na si Baby Jude Trevor.

Sa katunayan, ay isang post ang ibinahagi ni Janella sa kanyang Instagram, na kung saan dito ibinahagi ng aktres ang ilan sa kanyang mga larawan noong panahon na bagong silang pa lamang nito ang kanyang anak at ang ilan sa mga latest pictures ng aktres.




Credit: @superjanella on Instagram

Kalakip ng mga larawang ito ay ang istoryang pinagdaanan ng aktres, noong mga panahon na ilang buwan pa lamang nito naisilang ang anak na si Baby Jude.

Kwento pa ni Janella umabot daw noon sa 40 pounds ang nadagdag sa kanyang ideal weight, na kung saan ay kinailangan niyang itago ang sarili mula sa mga malalaking damit at kasuotan.


Credit: @superjanella on Instagram

Aniya, “I’m not gonna lie, I enjoyed every moment and I still do. But in those first few months, I physically did not feel like myself. I hid behind big coats, robes and loose clothing. The lack of sleep made me overeat, so I was 40 POUNDS heavier than my ideal weight.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


Dumating rin sa pagkakataon na hindi na umano nagugustuhan ni Janella, ang itsura ng kanyang pangangatawan sa tuwing siya ay nananalamin.

Dagdag pa niya, “I did not like what I saw in the mirror but paid no attention to that. Of course, gaining weight is totally normal after giving birth… but there comes a time where you want to be healthy and regain your strength.”


Credit: @superjanella on Instagram

Kaya naman sa kabila ng pagkawala ng kanyang kumpiyansa sa sarili, ay tila nagsilbi namang inspirasyon sa kanya ang mag-asawang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho ng siya ay alukin nito patungkol sa surgical procedure na liposuction.

“Fast forward to the day Dr. @victoria_belo suggested liposuction— I initially said no. I was afraid. But after many talks and getting assurance from her, I gave in. Best decision ever. I can’t thank her and @dochayden enough for helping me jumpstart my journey back to sexy and for giving me back my confidence.”




Credit: @superjanella on Instagram

Pag-aamin ng aktres, mas nangingibabaw umano sa kanya noon ang labis na takot at pangamba, ngunit makalipas ng ilang pag-uusap at assurance na ibinigay sa kanya ng mag-asawa ay tinanggap niya ang procedure na ito.

Kaya naman ngayon mula sa mga larawan nito sa social media, ay tila bumalik na nga ang confidence ng celebrity mom at masayang naibalik na ang dating sigla at saya sa pagbabahagi ng kanyang maganda at s3ksing pangangatawan.


Credit: @superjanella on Instagram

“I am finally starting to see the woman I want to see in the mirror once again. I also want to give myself a pat on the back for taking initiative to exercise as well.” Ani ng aktres.