Coleen Garcia, nasorpresa sa kanyang ika-29 na kaarawan sa pagdating ng malalapit na kaibigan at pamilya sa kanilang tahanan

Sa loob ng tatlong taon na pagsasama bilang mag-asawa ng celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford, saksi ang kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya sa kanilang wagas at tapat na pagmamahalan sa isa’t-isa.


Credit: @billycrawford on Instagram

At sa kanilang tunay na pagmamahalan, ay dito na rin pinagbuklod ng tadhana ang dalawa, ng sila ay ikasal noong Abril taong 2018, sa Balesin Island.

Napuno ng pagmamahalan at labis na kasiyahan ang kanilang buhay mag-asawa, na hindi nakapagtataka na nagbunga rin ang kanilang tunay na pag-iibigan sa pagdating ng kanilang munting anghel, ang 1-year-old at napaka-cute nilang anak na si Baby Amari.


Credit: @billycrawford on Instagram

Sya ay isinilang ni Coleen noong September 10 sa loob mismo ng kanilang tahanan, sa pamamagitan ng water birth delivery.

At matapos maipagdiwang ang ika-1st birthday ni Baby Amari, ay tila naging doble ang kaligayahan ngayon ng aktres, dahil bago pa man matapos ang buwan na ito ay ipinagdiwang na rin niya ang kanyang ika-29 na kaarawan nito lamang September 24, 2021.




Credit: @coleen on Instagram

Tila naging espesyal nga ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, dahil maliban sa mga regalong natanggap ay isang munting sorpresa naman ang inihanda ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Kwento ni Coleen, wala siya umanong in-eexpect na magaganap sa kanyang birthday ngayong taon dahil na rin sa pag-iingat mula sa kumakalat na v!rus, ngunit tila ba nasorpresa ang aktres sa pagdating ng kayang mga bisita sa kanilang tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Aniya, “I really wasn’t expecting to do anything for my birthday this year, but my family and friends decided to surprise me here at home. You know how surprised I was? Some of them arrived and I was still in my pantulog, so the first thing I did was run up straight to the shower. “Omg di pa ako naliligoooooooo” Hence, the wet hair.”

At dahil naging espesyal ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, isa namang nakakaantig at sweet na mensahe ang ipinaabot ng kanyang asawa na si Billy sa araw ng kanyang birthday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


Binanggit niya sa kanyang ibinahaging larawan ni Coleen sa Instagram, “Happy birthday my love! Thank God you were born. U have given all of us more than you can ever imagine. And me specially knowing that I always have my rock no matter what! To the best wife, and mom anybody could ever have. I claim this to be a year focused on you and all of your dreams and endeavors! I love you so much my [queen] #myeverything.”