Napaka charming at talented na anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali, ipinamalas ang galing sa pagkanta matapos awitin ang kantang ‘Glory to God’

Si Talitha Maria Luna Sotto o mas kilala bilang si Tali, ay isa sa mga bibo at cute na cute na celebrity kid, na nabiyayaan ng angking katalinuhan at talento pagdating sa musika. Hindi kataka-taka na ang hilig nito sa musika, ay namana niya sa kanyang ama na si Bossing Vic Sotto na dating miyembro noon ng bandang VST & Co.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Sa husay at galing ni Tali sa pagkanta, ay marami naman sa kanilang mga tagahanga ang namangha at napapakanta rin, magmula sa mga larawan at video na ibinabahagi ng kanyang Mommy na si Pauleen Luna-Sotto sa social media.

Sa katunayan, ay dati ng ibinahagi noon ni Pauleen sa kanyang Instagram account ang mahusay na pagkanta ng kanyang anak, habang inaawit ang awiting “Salvation Poem” na hango mula sa TV series na Superbook.


Tila nga ba ang talento na ito ni Tali ay isang napakalaking biyaya na nagmula sa Panginoon, at sa pamamagitan ng kanyang talento ay ibinabalik rin niya ang taos pusong pasasalamat sa pamamagitan ng pag-attend ng virtual mass kasabay ang pagkanta ng worship song.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Kasama ang mga magulang na sina Mommy Pauleen at Daddy Vic, isang video ni Tali ang siyang nagpaantig sa puso ng madla, matapos ibahagi ng kanyang ina ang kanilang naging pag-attend sa isang virtual mass.

Sa video ay makikita ang napaka-cute na si Tali na tila focus sa panonood ng virtual mass, habang kasabay nitong kinakanta ang isang worship song na may title na “Glory to God”.


Kalakip ng kanilang sama-samang pagsisimba bilang isang pamilya, ang inilagay na caption ni Pauleen na, “Blessed weekend to everyone! Don’t forget to hear mass”.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Bilang isang ina, hindi napigilan ni Pauleen na maging emosyonal nang marinig ang unang beses na pagkanta ng worship song ng kanyang anak.

Aniya, “Oh my eyes started to get wet and I couldn’t help but feel humbled! Oh dear God, Your love is definitely shining through this little girl!”


Kaya ganito na lamang ang naging pasasalamat ng celebrity mom sa biyayang ibinigay ng Panginoon sa kanilang buhay mag-asawa, sa pagdating ng kanilang adorable daughter na si Tali.

“Thank you for making your presence be felt especially during uncertain times like this! And thank you for blessing us with a child who loves You so much! It is so natural, we are in awe!” ani ni Pauleen.