Lara Quigaman, ibinahagi ang masayang ‘Under the Sea’ themed birthday celebration ng kanyang mga gwapong anak na sina Tobias at Moses

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng isang masayang kaarawan na ating pinaghahandaan taun-taon. Mapa simple man o magarbong handaan, ito ay hindi alintana sa atin dahil sa mapagmahal nating pamilya at mga kaibigan na laging nandiyan upang tayo ay pasahin sa araw ng ating kaarawan.


Credit: @laraquigaman on Instagram

Tila ganyan nga ang naging masayang selebrasyon na inihanda ng mag-asawang Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman, sa kaarawan ng dalawa sa kanilang mga anak na sina Tobias Nolan at Moses Marc.




Credit: @laraquigaman on Instagram

At dahil hindi pa maaaring magkaroon ng mga enggrandeng selebrasyon ngayon dahil sa pag-iingat mula sa kumakalat na v!rus, ay sino ang mag-aakala na ang dating maliit na garahe lang noon ng mag-asawa, ay pwede na rin palang gawing mala “under the sea” ang itsura para sa napili nilang tema sa kaarawan ng kanilang mga anak.


Credit: @laraquigaman on Instagram

Sa katunayan, ay si Tobias umano ang pumili ng tema na “under the sea”, dahil sa labis na pagkahilig nito sa mga shark. Kwento pa ni Lara, ay mas gusto ng kanyang anak ay isang “rawr shark” kaysa sa natural na hilig ng mga bata na baby shark.

Aniya, “I asked Tobias what theme he wanted for his birthday and he immediately said, “I wyk shark! Not baby shark mommy, rawrr shark!” At dahil shark ang gusto nya at sabay sila magbirthday ni Moses, kailangan complimenting ang theme nila, so we went for ‘Under the Sea’ theme for Momo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman)


Sa mga litratong ibinahagi ni Lara sa kanyang Instagram na kuha mismo ng Nice Print Photography, makikita ang naging transformation ng kanilang garahe na naging isang napakagandang mala under the sea, sabayan pa ang maganda at gwapong look na makikita sa kanilang masasayang ngiti sa naturang family picture.


Credit: @laraquigaman on Instagram

“So so grateful to have been able to celebrate Moses’ 1st birthday and Dedication and Tobias 3rd birthday last Saturday,” ani ng aktres.

Sa ika-3rd birthday ni Tobias, 1st birthday at dedication ni Moses ay nakasama rin nila sa espesyal na selebrasyon na ito, ang isa pa sa gwapong anak nina Lara at Marco ang kanilang panganay na si Noah Lamar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman)


Pagdating naman sa disenyo ng kanilang mga customized cake tila ba idea ni Tobias ang pagkakaroon ng ganitong klaseng disenyo, na kung saan ay nais pa raw nito na ang maging kalalabasan ng kanyang customized cake ay shark na may kinakaing tao.




Credit: @laraquigaman on Instagram

Kwento ni Lara, “Also, pinapili ko si Tobias ng design ng cake, hindi niya lang ayaw ng ‘baby shark’, gusto pa dapat niya yung shark na may kinakaing tao! Hindi lang kami pumayag hahaha.”

Tila kakaiba nga ang hilig na ito ni Tobias para sa kanyang edad, ngunit ganunpaman, ay nasulit naman ang kanilang selebrasyon kahit ito ay ginawa lamang sa loob ng kanilang tahanan.