Jake Ejercito, naging emosyonal sa paghatid sa kanyang anak na si Ellie sa airport pabalik sa probinsya

Isang emosyonal na pamamaalam muli ang ginawa ng bagong Kapamilya Star na si Jake Ejercito, sa kanyang anak sa dating aktres na si Andi Eigenmann na si Ellie.

September 24, 2021, ay isang litrato ang ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account na kung saan ay makikita ang nakakaantig na pamamaalam ng mag-ama sa isa’t-isa.


Credit: @unoemilio on Instagram

Makikita ang nakaluhod na si Jake habang yakap-yakap si Ellie sa airport at handa na ngang lumipad patungo sa Isla ng Siargao, upang makapiling na ang ina na si Andi kasama si Philmar Alipayo at mga nakababatang kapatid na sina Lilo at Baby Koa.

Mula sa emosyonal na pamamaalam ng mag-ama sa isa’t-isa, marami naman sa mga netizens ang nalungkot at hindi napigilan na ibahagi ang kanilang lungkot na nadarama sa litratong kanilang nakita.

“This one in this morning makes my heart br0ken again 😢😭💔”


Credit: @unoemilio on Instagram

“Awww a father’s love to her daughter unconditional ❤”

“This. A Father and Daughter love. 💗😇”

“Naiyak naman ako😭 ang bigat sa dibdib.”


Credit: @unoemilio on Instagram

Tila natapos na nga ang isang buwan na pagbabakasyon ni Ellie sa Manila, upang maka-bonding at makasama ang kanyang Daddy Jake.

Hindi man madali para sa isang magulang na malayo sa kanyang anak malaki pa rin ang naging pasasalamat ng aktor na makasama si Ellie, at dahil ito sa pagkakaroon nila ng magandang co-parenting relationship ngayon ni Andi.




Credit: @andieigengirl on Instagram

At kahit bumalik man si Ellie sa isla ay paniguradong hindi pa doon natatapos ang magandang relasyon at ugnayan nina Jake at ng kanyang anak.

Dahil kahit nasa “long distance relationship”, ay nagagawa pa rin nilang mag-usap mag-ama, at ito nga ay ang kanilang madalas na palitan ng mga funny text conversations, na ibinabahagi ni Jake sa social media na labis namang ikinatutuwa ng kanilang mga tagahanga.


Credit: @unoemilio on Instagram

Samantala, ang bagong Kapamilya star na si Jake ay punong abala naman ngayon sa pagsabak niya sa lock-in taping para sa kanyang pinaka-unang major acting project sa Kapamilya network, ang “Marry Me, Marry You”, na kung saan ay makakasama niya rito ang ilan sa mga sikat na personalidad na sina Paolo Avelino, Janine Gutierrez at Sunshine Dizon.