Andi Eigenmann, ibinahagi ang kanilang masayang picnic ng kaniyang pamilya sa Isla ng Siargao

Sa mga naggagandahang lugar at tanawin na makikita dito sa Pilipinas, hindi maikakaila na isa ang ating bansa sa binabalik-balikan ng mga turista, dahil sa taglay nitong ganda at nakakamanghang tanawin na dito lamang makikita sa atin.

Kaya naman hindi maikakaila na marami sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz ang nahumaling sa ganda ng paligid, sa napakasarap na simoy ng hangin, sabayan pa ang pahagip na pagsayaw ng mga puno sa kabundukan, at ang katahimikang hatid ng bawat pag alpas ng mga alon sa karagatan.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Kung para sa mga turista ito ay isang “most unforgettable getaway”, ngunit ang pagkakaroon naman ng isang payak at simpleng pamumuhay sa isla, ang siya namang maituturing na “exciting adventure” para sa dating aktres na si Andi Eigenmann.

Hindi lamang ang masayang pamumuhay sa isla at pakikipag bonding sa dagat ang ginagawa ngayon ng aktres kasama ang kanyang pamilya, kundi pati na rin ang masayang pakikipag-bonding at pagpipicnic kasama ang mga ito ay hindi rin nila pinalagpas ng magkakasama.




Credit: @andieigengirl on Instagram

Sa katunayan, ay ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram account ang masayang pagpipicnic nito kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo at mga anak na sina Lilo at Baby Koa, sa isang napakagandang tanawin na makikita sa kanilang likuran.

Sa litrato ay makikita ang chill lang na si Baby Koa na prenteng nakaupo sa kanilang picnic mat, at in-eenjoy ang sariwang hangin magmula sa mga luntiang damo, puno at halaman sa naturang larawan.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Samantala, ang napaka-cute naman na si Lilo ay makikitang nakatayo at tila na-enjoy ang pakikipagkaibigan sa mga baka na kanilang nadaanan, na kahit malayo ang mga tingin ay komportableng komportable pa rin ito kahit na may mga amorseko (love grass) na nakadikit sa kanyang damit.

“Lilo also had a blast exploring, befriending cows. Here she is in the next pic also complaining about all the amorsiko stuck on her shorts,” ani ng aktres.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Maliban pa diyan ay gumawa rin umano sina Andi ng isang lamaw, na kanilang inihanda sa pagdating ni Philmar galing trail ride.

Magmula sa kanilang masayang pagpipicnic, marami naman sa mga netizens ang nabighani sa kanilang masayang family bonding, at hindi napigilang makisaya sa kanilang nakakatuwang litrato na magkakasama.