Napakacute na anak ni Sheena Halili na si Baby Martina, masayang nagdiwang ng kanyang ika-9 months old celebration

Marami sa atin na pinaghahandaan ang araw ng ating kapanganakan, upang makapaghanda ng simple o magarbong handaan kasama ang pamilya at mga kaibigan. Ngunit bilang isang ina tulad ng celebrity mom na si Sheena Halili-Manzanero, ang pagdiriwang ng monthly celebration ng kanyang anak na si Baby Martina ang isa sa kanyang mga pinaghahandaan ngayon.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Magmula pa lamang nang isilang ni Sheena ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Jeron Manzanero noong ika-12 ng Disyembre ng nakaraang taon, ay dito na mas naging makulay ang kanilang pagsasama bilang isang buong pamilya.

Sa pagdating ni Baby Martina, ay dito nasaksihan ng publiko ang pagiging hands-on mom ng aktres sa kanyang anak, lalo na at bilang isang first time mom ay gusto niyang ibahagi sa publiko ang bawat milestone nito, kabilang na ang pagbabahagi ng mga adorable pictures at videos ng kanyang anak sa social media.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

At kalakip ng bawat cute na litrato ni Baby Martina, ay ang todo effort ni Sheena sa pagiging isang stage mom pagdating sa pagdiriwang ng buwanang kaarawan ng kanyang anak.

Tila nakakabilib nga ang pagiging creative ng aktres sa bawat photosh0ot nito, at sa bawat anggulo ay talagang makikita na ito ay pinaghandaan.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Kaya naman kada buwan ay kaabang-abang ang monthly celebration ni Baby Martina at ang kanilang mga fans ay hindi na makapaghintay dahil paniguradong ito ay magiging bongga.


Tulad na lamang ngayon sa ika-9 months old ni Baby Martina, hindi man nasilayan ang inaabangang makukulay na backdrop designs at ang mga cute na monthly costumes nito, ay tila naging bongga pa rin ang kanyang selebrasyon kahit ito ay naging isang simpleng handaan lamang.

Sa litratong ibinahagi ni Sheena sa kanyang IG account, ay makikita ang napakacute na si Baby Martina, na nakatingin sa kanyang strawberry chocolate cake na sinamahan pa ng isang berdeng kandila sa ibabaw nito.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

Bukod pa dyan ay tila mas naging espesyal pa ang kanilang selebrasyon, dahil kahit kasalukuyan mang hindi nakasama si Daddy Jeron sa handaan, ay makikita naman na nakasama pa rin ito sa pamamagitan ng kanilang ginawang virtual celebration.

Ayon pa kay Sheena, “Pag-uwi na ni papa @jemanzanero tayo celebrate ng bongga ha.”

Tunay ngang hindi basehan ang simple at magarbong handaan upang ang selebrasyon ay maging bongga at kahanga-hanga, dahil wala ng mas hihigit pa na makasama ang pamilya sa pagdiriwang ng espesyal na araw na ito ng iyong buhay.