LJ Reyes, ginulat ang mga netizens sa kanyang napakagandang pictorial kasabay ng pagdalo sa fashion week sa New York

Makalipas ang kontrobersyal na hiwalayan ng aktres na si LJ Reyes at ex-boyfriend nito na si Paolo Contis, isang nakakabighaning larawan ang siyang gumulat ngayon sa mundo ng showbiz.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Dahil ang aktres na si LJ ay game na game na rumampa sa New York Fashion Week, at pinatunayan na hindi na kailangan pa ng catwalk para mabighani ang mga tao, dahil sa simpleng pag-awra sa street-side ng Brooklyn ay dinaig pa ang isang prestihiyosong fashion show.

Sa mga litratong ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ay makikita ang stunning at f!erce look ni LJ, sa kanyang slicked back hair at smokey eyes na nagpadepina sa kanyang kagandahan, suot-suot pa ang isang haltered bodysuit, leather trousers, na binagayan pa ng pares na black stiletto pumps.




Credit: @lj_reyes on Instagram

Sa tulong ng kanyang stylist na si John Paul Dizon at ang Nice Print Photo’s New York team, ay naisakatuparan ang kanyang sariling fashion sh0ot sa Brooklyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


Mula sa kanyang mala strong fierce na look, ay tila pinatunayan ni LJ na sa kabila ng kanyang pinagdadaanan ngayon ay mananaig pa rin ang kaniyang pagiging strong, at palaban na celebrity mom na handang-handa na lumaban para sa kanyang mga anak na sina Aki at Summer.

Sa kanyang nakakabighaning fashion sh0ot sa Brooklyn, ay tila makikita talaga ang napakagandang mukha ng aktres, na sa kahit anong anggulo pa ay mapapa-w0w ang sino man sa kanyang taglay na kagandahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


Tulad na lamang ang mga kilalang personalidad sa showbiz na nagbigay ng kanilang komento at paghanga kay LJ na sina Camille Prats, Iya Villania, Melissa Ricks, Chynna Ortaleza, Carla Abellana, Nikki Valdez, Sheena Halili, Ryza Cenon, Andrea Torres at marami pang iba.

Tila nag-enjoy si LJ sa prestihiyosong international semi-annual fashion show sa New York, at tulad ng ilang mga fans ay naki fangirl rin ang aktres ng masilayang rumampa ang napakagandang international model na si Gigi Hadid.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


Noong Sabado, September 11 ay makikitang dumalo si LJ sa New York Fashion Week at tampok sa naturang show ang spring/summer 2022 collection ng American designer na si Brandon Maxwell.