Kaye Abad, naisilang na ang pangalawang anak nila ng asawang si Paul Jake Castillo na si Baby Iñigo Leon

Isa na namang magandang balita ang hatid ngayon ng celebrity mom na si Kaye Abad sa kanyang mga tagahanga.

Makalipas ang naging anunsiyo ng aktres patungkol sa kanyang pagbubuntis noong Pebrero, sa ikalawang anak nila ng kanyang asawang aktor na si Paul Jake Castillo, ay sa wakas healthy at l!gtas niyang naisilang ang kanilang baby no. 2.


Credit: @kaye_abad on Instagram

At ngayong araw nga September 13, ay masayang ibinalita ng aktres sa kanyang Instagram account na naisilang na niya si Baby Iñigo Leon Castillo nito lamang September 2, 2021.

Sa larawan ay makikita ang napaka-cute na si Baby Iñigo, na nakahiga sa kanyang bed at mahimbing ang pagkakatulog.




Credit: @kaye_abad on Instagram

Tila isa na naman panibagong chapter ito sa mag-asawang Kaye at Paul Jake, sa pagdating ng biyaya at panibagong miyembro ng kanilang pamilya.

Sa video na ibinahagi ni Kaye sa kanilang YouTube channel ay makikitang inilahad ng mag-asawa ang naging pregnancy journey ng aktres, pagpunta sa kanyang doctor hanggang sa pagle-labor at maisilang ang kanilang healthy baby boy.


Credit: Kaye & Paul Jake Youtube Channel

Kwento pa niya, sa ganap na 5:12 ng hapon noong September 2, ay kanyang naisilang si Baby Iñigo na may bigat at timbang na 6.12 pounds.

“Lumabas si Inigo ng 5:12 [pm], 6.12 lbs. – ang laki, but normal.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaye Abad-Castillo (@kaye_abad)


Pag-aamin ni Kaye ay hindi naging madali ang kanyang pagle-labor sa kanilang baby no.2, na ayon pa sa kanya, “Emotionally and physically na-drain ako,”.

Ganunpaman, malaki ang pasasalamat ng aktres at naisilang niya ng ligtas at lumabas na healthy ang kanilang anak na si Baby Iñigo.

Isinilang niya ito sa pamamagitan ng normal delivery na labis na ipinagdasal ni Kaye dahil sa ayaw nito na ma-cesarean.

Aniya, “I thank God talaga, I prayed for a normal delivery ayokong ma-cesarean, so I really tried [to] push talaga, push ng push.”




Credit: Kaye & Paul Jake Youtube Channel

Sa magandang balita na ito, ay marami naman sa mga kilalang personalidad ang natuwa at nagbigay ng kanilang pagbati para sa mag-asawang Kaye at Paul Jake.

Ilan sa mga nagbigay ng komento ay sina RK Bagatsing, Dominic Roque, Chito Miranda, Nikki Valdez, Rodjun Cruz, Sunshine Garcia, at marami pang iba.